Hayst!First day of school na naman, as usual kapag first day andaming estudyante tapos kapag malapit na naman ang sembreak kukonti na ulit.
Kasalukuyan akong naglalakad at iniisip kung ako kayang section ko, kaklase ko kaya ang mga barkada ko? Napahinto ako sa pag-iisip ng biglang boogsshh... may mga tanga-tangang nagbungguan sa tapat ko(haha) akala niyo ako noh, no I'm not a stupid to make a scene like that, nagpatuloy ulit ako sa paglalakad ko at naghahanap na ako ng section ko. Inumpisahan kung maghanap sa building na syempre una kong pinuntahan diba?(haha) sinimulan kung tignan ang mga pangalan na nakadikit sa pader ng room but fortunately, wala doon ang pangalan ko. Umakyat ako sa pang-apat na palapag(wag na kayong mag-isip kung saan akong floor galing dahil ano bang mauna bago ang 4th floor? kidding!(haha)) at sa pang-apat nga na palapag nakalagay ang pangalan ko, umupo ako sa pinakadulo dahil d'on nakaupo ang bespren ko, buti nalang walang nakapansin sa'kin bukod kay Vin dahil may nagpapakilala na sa harapan. Halos lahat ng babae tapos na, syempre late na ako e(haha). Buti nga dito sa dulo umupo itong bespren ko at may exrang seat pa sa tabi niya at may upuan ako at ang saya ko dahil katabi at kaklase ko ang bespren ko at dahil sa sobrang daldal ko sa kaniya nagalit yung adviser namin(huhu) kaya tumahimik nalang ako atsaka nakinig sa mga nagpapakilala but then someone got my attention, his voice, his eyes, and the way he looked at me; "Hi, I'm Ashton Montefalco 17 years old and blah...blah...blah...Totoo ba to?Kinurot ko ang sarili ko sa pag-aakalang nananaginip lang ako pero hindi e, nasaktan lang ulit ako at nagsimualang tumulo ang mga luha ko dahil nakita ko na naman ang lalaking sinaktan at dinurog ang puso ko. Pinunasan ko ang mga luha ko dahil malapit na kami ni Vin sa magpapakilala at buti nalang tinakpan ni Vin ang mukha ko kanina nang makita niya ang lalaking iyon at hindi niya nakita ang pagtulo ng luha ko. "Hi everyone, I'm blah...blah...blah and then si Vin na "Hi classmates, My name is Alvin Montemayor, 17 years old". Now it's my turn, "Hi, I'm Allisha Park, 17 years old, from Korea, pagpapakilala ko sa sarili ko pagkatapos ay umupo na ako sa upuan ko syempre(hehe) at ngumiti kay Vin na kanina pa pala nakatingin sakin, he's my bestfriend since we were in 2nd Year in High School and now were in our Senior High School.
Alvin: Ba't ka umiyak? Mahal mo parin ba siya? You told me you've already moveg on, why are you still crying? Tell me Isha do you still love him?
Allisha: I don't know Vin, because everytime I saw him naaalala ko lahat Vin lahat-lahat ng ginawa niya sa;kin.
Oo tama kayo nang pagkakabasa, me and that jerk Ashton had a past, Vin hugged me tight to feel me comfortable. I know na may gusto sa'kin si Vin dahil umamin siya sakin since nung nakauwi ako dito sa Pinas. Si mama kasi e pinilit akong umuwi dito sa Pinas para dito nalang daw mag-aral. Hindi naman sa ayaw kung umuwi dito sa Pilipinas syempre kasama ko na si mama kaso nga lang kasi kapag nandito ako naaalala ko lang siya at kapag nasa Korea naman ako hindi ko sya naiisip, masaya at tahimik ang buhay ko doon. Kinabukasan, na-late ako ng gising takte syempre binilisan ko nang maligo at mag-ayos aba syempre late din akong papasok nito. Nakarating na ako sa pintuan ng room at ang masaklap pareho kami ng kupal na lalaki na si Ashton na late hayst pag minamalas ka nga naman. Ngayon dahil late kami nandito kami ngayon magkatabi sa likod at OO magkatabi kami ng kupal na to dahil sympre late kami. Habang nakatayo kami ay 'di ko maiwasang tumingin sa kanya...maya-maya ay lumingon siya sa akin na kinagulat ko at dahil sa gulat ko ay bigla ko siyang binati...
Allisha: Ahmmm...Hi(sabay ngiti)
Ashton: Hello(habang nakatingin sa'kin ni hindi man lang ngumiti, tsk)
Allisha: Bakit ka nga pala late?(hehehe, para may topic kami, ang boring naman kung nakatayo na nga kami tas tahimik pa duh!)
Ashton: Ah, may ginawa pa kasi ako, e ikaw?
Allisha: Na-late kasi ako ng gising.
Pagkataapos no'n ay hindi na kami nagkibuan...makalipas ang ilang minuto na wala paring nagsasalita ay napagpasyahan kong ako nalang ulit ang maunang magsalita hindi kasi ako sanay na tahimik at diba nga madaldal ako?hayst kayo talaga(haha)
Allisha: Kumusta kana?
Ashton: Ok lang, masaya kahit wala ka. Ikaw?
Hindi ako agad nakapagsalita dahil sa sagot niya...
Allisha: Ako rin(yan lamang ang naisagot ko at isang pilit na ngiti ang ibinigay ko sa kaniya)
Maya't maya pa ay nag bell na, hudyat nito na tapos na ang klase at dali-dali na akong lumabas ng room pero bago pa man ako makalabas ng room ay biglang nagsalita si Ashton...
Ashton: Allisha kung umaasa ka pang magiging tayo ulit sinasabi ko na sayong wala nang pag-asa at lalong lalo na wala ka nang babalikan.
Allisha: Wag kang mag-alala wala na akong nararamdaman para sayo, matagal na(tumalikod na agad ako at tumakbo dahil nag-uumpisa nang tumulo ang aking mga luha at hindi ko na mapigilan pa ang mga ito.)
Kinabukasan pumasok ako ng maaga dahil halfday lang ako kahapon dahil sa nangyare at iyong bespren ko ay namimiss na raw ako haha (akala niyo ba hindi ako papasok dahil sa nangyare kahapon pwes mali kayo hahaha) pero aminado akong umiyak ako magdamag dahilan upang hindi ako makatulog at maagang pumasok. Ngunit laking gulat ko ng pagpasok ko sa room ay andito narin sa loob ng aming silid ang lalaking kupal, hindi ko na lamang siya pinansin at dumiretso ako sa aking upuan dahil baka mapansin niyang namamaga ang mga mata ko at nakita kong wala pa ang bespren ko hayst yung lalaking yun talaga sasabihing namimiss ako pero wala pa pala dito. Nagulat ako nang biglang umupo sa tabi ko si kupal at sinabing...
Ashton: Akala ko ba wala na, e ano yan??(turo sa mata kong namamaga)
Hindi ako makatingin sa kaniya dahil tama ang kaniyang sinasabi at iniisip, may nararamdaman parin ako sa kanya hanggang ngayon kahit mahigit dalawang taon na ang lumipas.
Ashton: 'Wag mo nang pahirapan ang sarili mo ikaw lang ang masasaktan, kaya ako nalang ang lalayo para sayo dahil bukod sa hindi na kita mahal, kahit kailan hindi kita naging kailangan.
Pagkatapos niya iyong sabihin ay umalis na siya at sakto namang pagdating ni Vin at alam kong nagkasalubong sila.
Alvin: Bakit umalis ang lalaking 'yun? Nag-usap ba kayo Isha?
Allisha: Ha?
Alvin: Tinatanong ko kung nag-usap kayo ni Ashton dahil ang sama ng tingin nya sakin nung nagkasalubong kami.
Allisha: May sinabi siya sakin at umalis na bigla.
Alvin: Ah, anong sinabi nya?
Allisha: Sabi niya siya nalang daw ang lalayo para sakin. Hindi ko siya maintindihan Vin.
Dumating na ang teacher namin pero si Ashton hindi parin bumabalik. Hanggang sa buong maghapon hindi na siya pumasok at nagpakita pa. Lumipas ang araw, linggo, at mag-iisang buwan na at doon ko lang nalaman na nasa Amerika na pala siya. Dumaan ang maraming araw, buwan at isang taon hindi ko parin siya makalimutan dahil sa sinabi niya nung huling araw na nagkita kami. Isang araw naisipan kong mag-open ng aking facebook account dahil matagal ko naring hindi nabubuksan ito dahil narin sa busy sa pag-aaral. Pag bukas ko ng account ko madaming messages sa akin ang mga kaibigan at pamilya ni Ashton at siya. Ngunit ang laman nang kanilang mga mensahe ay iisa lang ang pinapahiwatig bukod kay Ashton at ang laman ng kanilang mensahe ay wala na si Ashton, ayaw kong maniwala hanggang sa mismong ang message niya ang binuksan ko at nakita ko ang mahaba niyang mensahe para sa akin...
Ashton:
Hi Allisha, ang nag-iisang prinsesa at nag-iisang mahal ko! How are you? I hope your doing great. I just want to say that I'm really really sorry for everything I did before, sana mapatawad mo ako sa mga ginawa ko hindi ko man gustong gawin lahat nang ginawa ko sayo pero kailangan mahal ko bilang nalang kasi ang araw ko at nung nagpapagamot ako bumabalik ang sakit ko e kaya wala akong choice mahal ko kundi gawin ang mga bagay na 'yun at pinagsisisihan ko lahat yun araw araw at kahit mawala ako sa mundong ito, I know I've hurt you so bad but I want you to know that I just did that because I don't want you to suffer when I'm gone. I know your crying right now but please continue everything you do when you see this message. I'm sorry that I didn't tell you about my stage 3 cancer because I know you'll suffer too much if I tell you para kahit papano konting sakit nalang ang nararamdaman mo pag nawala ako. Forgive me for all the things I made to hurt you I just don't want you to lock yourself in with me hoping that I can heal from my cancer. I'm sorry for breaking up with you. I'm so sorry my mahal ko, I hope you'll still forgive me. I will forever treasure and cherish our short love story lagi kitang gagabayan at babantayan kahit wala na ako. For the last time My Allisha, aking prinsesa at pinakamamahal I love you,sobrang mahal kita and please take care of yourself.
Pagkatapos kong mabasa ang mensahe ni Ashton para sa'kin ay humagolgol ako sa iyak dahil bakit kung kelan wala na siya doon ko lang nalaman ang lahat, bakit ang daya mo para hindi sabihin sakin lahat. Kahit mahirap at sobrang sakit Ashton pinapatawad na kita, sana masaya kana kung nasan ka man ngayon mahal ko, pero ngayon wag ka munang magalit or magtampo sakin ha? bigyan mo muna ako ng panahon para makabangon at maghilom ng sakit mahal ko at patawad din sa lahat ng pagkukulang ko sayo sa mga araw na nahihirapan ka mahal ko. Palagi mong tatandaang mahal na mahal kita at kahit wala kana palagi kang nandito sa isip at puso ko mahal ko. Salamat sa lahat mahal ko, hanggang dito nalang mahal ko.



