Ako po si Chad. Dahil hindi ko po alam kung san ako magsisimula, gusto ko po i-share ang kwento ng sarili kong buhay. Sana po ay ma-inspire ko din kau.
Nung bata pa ako, kasa-kasama ako ng papa ko kung san sya madestino dahil sya ay sundalo. Hanggang sa nag-binata na ako, kasama pa din ako ng papa ko kung san sya ma-assign, lumaki ako sa kampo. Na-assign si papa sa Siniloan, Laguna. That time 16 years old ako. Mahilig ako maglaro ng basketball, may height naman ako kaya nagfocus ako sa paglalaro ng basketball, 5'10" po ang height ko that time. Hanggang sa napili ako maging inter-barangay player sa isang Barangay sa Siniloan. While playing basketball league, may nakita akong isang babae na talagang kumuha sa aking atensyon, itago nalang po natin sya sa pangalang Jasmin. Nanonood sya ng game namin. Payat sya, maputi at maganda. Pero dahil mahiyain ako, hindi ko man lang sya nakausap at hindi ako nakapagpakilala sakanya. So, ayun nga. Dahil gusto ko sya makilala, lagi ako napasyal sa lugar na yon at nagtatambay hanggang sa nagkaron na ako ng mraming kaibigan sa lugar na yon. Isa pang hilig ko ay ang paglalaro ng computer, "DOTA" ang usong laro noon. Bago kasi maassign si papa sa Siniloan, Laguna, na-assign sya sa Magdalena, Laguna. Dahil medyo kritikal sa lugar na yon, hindi ako nakakasama sa kampo. Nag-aaral naman ako sa Sta. Cruz, Laguna ng elementary. Eh sa kadahilanan naaddict ako sa paglalaro ng computer, hindi na ko nkatapos ng pag-aaral at elementary lng talaga ang natapos ko. So, balik tayo sa Dota.. Nung dumating ako sa Siniloan, halos bago palang nauuso ang Dota kaya pagdating ko dun, halos ako ang pinakamagaling sa lugar nila. Dun ako nakilala ng mga tambay at kabataan. Hanggang one time may nakita akong batang lalaki na laging nanonood saken tuwing maglalaro ako ng Dota or CALL OF DUTY, puro OFFLINE lng ang laro sa shop na yon. Kasi ndi pa uso internet sa lugar nila. Naawa ako sa bata kaya tinropa ko at tuwing lalaro ako ng computer, nililibre ko sya. Na itago nalang natin sa pangalang Jason. Summer nung mga time na yon, wlang pasok ang studyante at may paparating nnaman na liga ng basketball. Sabi ko kay Jason, "mgsama ka ng tropa mo para naman may taga-cheer din saken at tagasigaw, kasi wala ako masyadong kakilala dito". Nangako naman sya na magsasama ng kakilala at mga relative nya pg may time.
Dumating ung 1st game ng team namin, bago magstart ang laro, sinabihan ko na si Jason na sa bench namin sila pumwesto. Nagulat ako, ung kasama ni Jason na babae, yun ung babaeng nakita ko noon na gusto ko sna makilala. Nung medyo napagod ako sa 1st at 2nd quarter ng game, nagpa-substitution ako at lumapit kay Jason. "Sino ung ksama mong babae kanina na katabi mo?" sumagot naman agad sya ng "ahh un ba? bakit? crush mo? pangit pangit nun. Ate ko un". Dahil dun, lalo ko tinropa si Jason para makapagpakilala ako sa ate nya. Hanggang sa dinadalaw ko si Jasmin gabi-gabi skanila para makausap at manligaw. Hanggang sa katagalan ng panliligaw ko, sa wakas ay sinagot din nya ako. Sinagot nya ako ng April 29, 2008. Gabi-gabi pa din ako dumadalaw skanila para bisitahin sya, dahil mahigpit mga magulang nya. Habang tumatagal, nakikilala ako ng mga magulang nya at nalaman nila na hindi ako nakapag high-school man lang. Pinipilit nila na iwasan ako ni Jasmin dahil wala daw kami mararating. October 29, monthsarry namin. Nagtanan kami. Isinama ko sya sa kampo kung san nka-assign si papa. After 1 week, nalaman din ng mga magulang nya na nasa amin si Jasmin. Dahil wala na silang magawa, tinanggap nalang nila na maging mag live-in partner kami.
"Oo alam ko na iniisip nyo, ang lakas ng loob ko khit wla nman akong trabaho at pinag aralan, nagawa ko pa makipagtanan at mgkalive-in partner".
Umaasa lang ako sa sustento ng magulang ko sakin. Umaasa lng ako sa pustahan sa basketball at sa DOTA para kahit papaano may pera ako na sarili. Hanggang sa nabuntis si Jasmin around April, 2009. Sinurprise nya ako nung birthday ko, sinabi nya na buntis sya.. April 26 kasi birthday ko. Dahil wala ako maisip na pagkakakitaan, kasi nga buntis sya. Dahil malapit na din ang fiesta skanila, May 15.. Sumali ako sa Mr. Lakan sa lugar nila. Nbalitaan ko kasi na medyo malaki papremyo at may ksamang scholarship sa college. Sa hindi inaasahang pgkakataon, medyo napadali ang tanong saken sa question and answer, at dahil mganda din nman ang postura ng katawan ko at may height, nanalo ako sa Mr. Lakan at naging title holder sa lugar nila.
After ilang months pa, lumalaki na ang tiyan ni Jasmin. Sumabay pa na malilipat nanaman ng destino si papa. Nagpasya kami na tumira muna sa Sta. Cruz, Laguna para dun sya manganak at dun muna din kami mag stay sa lugar ng mama ko. Kabuwanan na ni Jasmin, September, 2009 eksaktong may papadating din na bagyo, Ondoy ung bagyo na un. Sept. 23, 2009. Dahil malakas ang bagyong ondoy, inabot kami ng baha. Nanganak naman si Jasmin sa isang clinic sa bayan ng Sta. Cruz, Laguna. Matagal bumaha sa lugar namin sa Dolor Subdivision, Sta. Cruz, Laguna kaya nahirapan ako at nag apply kahit waiter sa isang resto bar na malapit. 100 lng ang sahod ko per day pero pinagttyagaan ko na kasi kailangan ng panggatas ng anak nmin. Ayos naman ang pamumuhay namin kahit mahirap hanggang sa napalaki namin ang anak nmin. Year 2010 mga November, nagkaron kami ng pgtatalo ni Jasmin at umuwi sya sa lugar nila ksama ang anak namin. Nakipaghiwalay sya dahil hirap na daw sya sa ganong buhay namin, dahil wala akong maayos na trabaho. Sakto lng dw lagi naiuuwi kong pera para sa amin, hindi na daw nya nabibili gusto nya.
So dumating ang March, 2011 sumali ako sa Ginoong Sta. Cruz, Laguna. Malaki din kasi ang premyo, ska may ksama nnmang college scholarship mula kay Mayor once na mkapasok ka sa Screening. Matalo o manalo may sure ball scholarship ka na. Hindi ako nanalo pero madami namang oppurtunity ang dumating saken. May mga kumukuha saken sa isang commercial. Advertisement ng mga Resorts, Restaurants, Salon at iba pa. Dahil hindi ko nga magamit ung scholarship ko kasi ndi ako nakatuntong ng highschool, naisip ko mag acceleration exam. Nag walk-in ako sa Alternative Learning System para mag take ng exam. Pumasa naman ako. Fortunately, ndi na ko dadaan ng highschool at diretso na ako sa college dhil medyo mataas ang marka na nakuha ko.
Nabalitaan ni Jasmin na nagmomodel na ako sa blackwater at napapanood sa mga local advertisements sa tv sa Laguna.
Nakipagbalikan sya saken at tumira ulit kami sa Sta. Cruz, Laguna. Hanggang sa may mga nagtatag saken sa FB na mga kakilala ko at ktrabaho na model din about sa work, gym, etc. etc.. Nagselos si Jasmin dahil mas madalas ko pa daw ksama yung mga un kesa sa mag ina ko. Nagpaliwanag naman ako na hindi naman lahat babae ang nkakasama ko dyan. May mga lalake din. So para matigil, umalis ako sa work ko at nag inquire sa LSPU sa Sta. Cruz, Laguna para mag aral nalang. Hindi pa nagsstart ang semester, nagkaron nanaman kami ng problema ni Jasmin dahil wala nnaman akong income hanggang sa nakipaghiwalay nnaman saken.. Dahil dun, hindi na ko tumuloy sa pag aaral.
Ang papa ko naman, napagdesisyunan na magretire sa serbisyo. Medyo malaki nakuha ni papa na pera kaya nakabili kami ng lupa sa Tanay, Rizal. Nakapagpatayo kami ng bahay. Nalaman nanaman ni Jasmin na may pera ako na galing kay papa kaya nakipag ayos nanaman sakin.
itutuloy


