Reading Score Earn Points & Engage
Horror

THE TRUTH-TELLER

The Truth-Teller is a psychological mind-bender about guilt, memory, and madness. When Jio vanishes without a trace, his girlfriend spirals into grief—until cryptic notes push her to uncover a truth she’s buried deep: she killed him. But just as she begins to piece herself back together, another player steps out of the shadows—someone who knows what she did, and has secrets of their own. In a game where no one is innocent, truth is the final weapon.

May 20, 2025  |   2 min read
THE TRUTH-TELLER
0
0
Share
"Ayoko na, sorry," text niya habang nasa jeep ako pa-uwi. Walang ibang kasunod. No calls. No explanations. Tahimik ang buong mundo habang nauupos ang araw sa bintana ng sinasakyan kong jeep.

Pagkarating ko sa apartment, wala na ang mga gamit niya. Parang multo lang siya na dumaan. Isang taon kaming magkasama - lahat 'yon parang tinangay ng isang maikling text. Umiiyak ako buong gabi. Pero hindi dahil sa heartbreak. Hindi rin dahil sa biglaang pag-alis niya.

Umiiyak ako kasi alam kong may tinatago siya. Hindi ko lang alam kung ano. Pero ramdam ng sikmura ko - may mali.

Kinabukasan, may balita agad: isang lalaking nakitang patay sa kalsada, tadtad ng saksak, pero walang gamit na nawawala. Parang hindi hold-up. Parang galit. Parang personal.

Wala pa ring text si Jio. Nagtangka akong mag-reply sa huli niyang message. "Anong ibig mong sabihin?" Pero hindi na rin pala siya online.

Dumaan ang isang linggo. Naghahanda na akong mag-move on. Hanggang isang gabi, habang nagpapakain ako ng pusa sa labas, may sulat sa gate. Walang envelope. Nakalagay lang: "Do not trust anyone. Even yourself."

Tumayo ang balahibo ko. Pagbukas ko ng pinto, may isa pang papel, nakaipit sa ilalim ng pinto mismo: "Saan mo tinago ang katawan?"

Tumakbo agad ako papasok. Sinara ang pinto. Nilock. Nakatingin sa sarili sa salamin, parang hindi ko kilala 'yung nasa tapat ko. Nagsimula akong mag-alala - hindi sa ibang tao. Sa sarili ko.

At doon ko naalala.

Hindi ako iniwan ni Jio. Ako ang pumatay sa kanya.

Bumalik sa utak ko ang gabing 'yon - ang sigawan, ang kutsilyo, ang mga salitang binitawan ko na parang hindi ako. "Wala kang karapatang umalis," sigaw ko. "Wala kang karapatang ipagkait ang sarili mo sa'kin!"

At bago ko pa siya matigil, may dugo na sa sahig.

Ilang araw na pala akong nagpapanggap na iniwan ako. Ilang araw ko nang niloloko ang sarili ko para makalimutan ang totoo.

Pero sino ang nagpadala ng sulat?

Kinabukasan, binisita ko ang abandonadong greenhouse ng lola ko, kung saan ko siya inilibing. And then I saw it.

May taong nauna na roon.

May isa pang hukay sa tabi ng libingan ni Jio. Mas bago. At sa ibabaw nito, may papel na basang basa sa hamog: "Akala mo ikaw lang?"

Dahan-dahang sumulpot mula sa likod ng halamanan ang isang taong pamilyar - si Leah, kapatid ni Jio, na ilang beses ko nang nakita pero hindi ko binigyan ng pansin. Ngayon, suot niya ang kwintas ni Jio. At ngingiti siya habang sinasabi:

"Ang saya, 'no? Nauna ka lang pala. Pero magka-team na tayo ngayon. Hindi ka nag-iisa."

At tumawa siya. Mabagal. Paulit-ulit. Parang baliw.

At ako?

Tumawa na rin.

Dahil sa wakas, wala nang nagsisinungaling.

Please rate my story

Start Discussion

0/500