Reading Score Earn Points & Engage
Romance

The Billionaire's Janitress

Luna had an issue with her mother and her mother's lover. Napilitan siyang umalis at iwan ang kanyang ina dahil mas pinili niyang maipagpatuloy ang kanyang pag-aaral. Siya ay nagbakasakali sa Maynila. She became an employee of a famous grocery, and the boss just offered her a dirty offer. Tumakas siya para sa kanyang dignidad pero ang kanyang amo ay mababang uri lang din ng babae ang tingin sa kanya, siguro ay dahil bilyonaryo ito at siya ay isang janitress lang.

Jan 10, 2025  |   34 min read

A M

Anna Maria
The Billionaire's Janitress
0
0
Share


"Luna! Buksan mo itong pinto! Napakakupad mo namang bata ka!" malakas na katok at sigaw ang nagpatigil kay Luna sa ginagawang pagtapis ng twalya sa kanyang katawan.

Si Victoria.

"N-Nand'yan na, Mama!" Mula sa loob ng banyo ay nagmamadali siyang lumabas para tunguhin ang pintuan na naka-lock.

Naligo kasi siya. Alas nueve ng umaga ang oras ng kanyang paliligo talaga.

Sa ngayon ay pahinga siya sa paghahanap ng sideline dahil ilang araw na siyang pagod, wala namang nakuhang trabaho ngayong bakasyon. Bente anyos na siya at nasa third year college na, kumukuha ng kursong Business Administration, major in Financial Management sa isang university na may pinakamababang tuition sa kanilang probinsya.

"Bilis, at nasusunog na ang balat ko sa araw. Magkakaroon ako ng mga pekas," sabi pa ni Victoria sa labas ng pintuan kaya halos mapabuntong hininga na lang siya.

Si Victoria ang kanyang ina, na maagang nabalo nang mawala ang kanyang ama noong siya ay labing-isang taong gulang pa lang, dahil sa isang aksidente sa crossing. Binangga ng isang humaharurot na SUV ang lumang kotse ng kanyang ama, nagpaikot-ikot bago bumaliktad, at idineklara na dead on the spot ang Papa niya dahil sa tinamong multiple head injuries.

Isang seaman ang kanyang Papa, na may naiwan naman na pera sa bangko kahit paano para sa kanya, kaya lang ay hindi na malaman ni Luna kung bakit naubos na, samantalang nasa public school naman siya mula grade school. At bilang isang mabait at mapagmahal na anak, hindi na siya nagtanong pa, kahit na wala ng inatupag ang Mama niya kung hindi ang mag-nightlife kapag ito ay sumasahod sa salon na pinapasukan nito, bilang beautician.

For Luna, it was her mother's way to move on and forget her father.

"Nandito na ako, Mama," sabi na lang ng dalaga nang buksan ang pinto.

At laking gulat niya nang makita na hindi nag-iisa si Victoria. May kasama itong maskuladong lalaki, maputi, malinis tingnan at may itsura. At ang mas ikinagulat ng dalaga ay may dala iyong bag, o mas tamang sabihin na maleta.

Dahil sa pagkabigla ay nakalimutan na niyang nakatapis lang siya ng twalya, at kung hindi pa tumagos ang malagkit na titig ng lalaki sa kanya ay hindi pa siya matatauhan.

Tumabi siya at binigyan ng daan ang dalawa, kumukurap at kipkip ang twalya.

"Ipagtimpla mo nga kami ng kape," utos ng ina sa kanya kaya nagmamadali siyang naglakad papunta sa kwarto niya.

"Sandali, Ma'. Magbibihis Lang po ako."

Bawal kay Victoria ang makupad. Mula nang mamatay ang Papa niya ay naging aburido na ito at masungit.

Lumabas siya kaagad pagkabihis niya, ni tingnan ang lalaki ay hindi.

"Luna," tawag sa kanya ni Victoria nang siya ay nagtitimpla ng kape, "Ito si Leroy, boyfriend ko."

Kamuntik na maitapon niya ang hawak na lalagyan ng asukal. Sa tagal ng panahon ay ngayon lang may iniuwi na lalaki ang Mama niya at pinakilala na boyfriend.

"O-Opo, Mama," sagot na lang niya na walang pagtutol.

"Dito na siya titira."

Doon siya tumingin sa ina, "W-Wala po ba siyang bahay?" Aniya dahil ang bahay na tinitirhan nila ay pundar naman ng Papa niya. Hindi iyon malaki na sobra pero bungalow.

"Umuupa lang siya. Nakilala ko siya sa pinupuntahan kong club. Total naman ay bente anyos ka na, wala namang masama na malaman mo ang pagkatao ni Leroy. Siya ay isang callboy pero matino siya at mahal niya ako. Isang taon na kaming may relasyon. At dahil nagsasawa na rin siya sa club, balak na niyang maghanap ng matinong trabaho at tulungan ako sa mga gastusin dito. Pansamantala, sa club pa rin siya sasayaw."

Diyos ko. Ang kapalit ng Papa ko ay isang macho dancer? Usal niya sa isip. Gusto niyang tumutol, magsalita pero hindi niya magawa. Natatakot siyang mapagalitan sa harap ng lalaki. Inisip na lang ni Luna na matagal na rin naman na patay Ang Papa niya at karapatan naman ng Mama niya na lumigaya.

Lumipas ang mga araw at naging tampulan ng tsismis si Victoria at Leroy, at sa tuwing napapadaan si Luna sa tindahan ay hindi maiwasan na nagtatanong sa kanya ang mga kapitbahay na marites, pero nananatiling nakatikom ang kanyang labi dahil ayaw niyang magtalo sila ng ina niya. Hanggang si Carol na ang magsalita sa kanya, na kanyang best friend mula pa sa pagkabata.

"Hindi na maganda itong usap-usapan, Beshy. Ang daming tsismis. Hindi na raw itinago ng Mama mo ang pakikipaglampungan sa bago mong stepdad. Kahit daw hawal na hawal ang bintana at pinto, naghahalikan at naghihipuan."

Malamlam ang mga matang itinunghay niya sa kaibigan, habang nasa balkon sila ng bahay nila.

"Nahihiya na rin ako, Carol pero hindi ko alam kung anong sasabihin ko kay Mama. Parang patay na patay kasi siya kay Kuya Leroy."

"Napakabata pa naman daw ng Leroy na 'yon, Luna. Parang matanda lang daw sa iyo ng sampung taon."

That's true. Leroy is just thirty, her mother told her. And her mother is already fifty-four. Maayos lang sa sarili si Victoria dahil beautician pero hindi maikakaila na may edad na talaga. Para lang nagmumurang kamatis ang mga postura.

"Mag-ingat ka ha dahil may narinig ako na kwentuhan, na malagkit daw ang tingin ng stepfather mo sa anak ni Aling Taling, at nang bumili raw at natyempuhan sa tindahan ay hinawakan daw sa kamay."

Hindi siya nakapagsalita, dahil sa totoo lang ay may napapansin din siya kay Leroy. Ilang beses na, na kapag siya ay naliligo, parating sa paglabas niya sa banyo ay nariyan ang lalaki sa mesa, nagkakape, nakaharap sa pinto ng banyo. Ang ginagawa niya ay sa loob na siya nagbibihis at hindi na lumalabas na nakatapis lang ng twalya.

Ang buong akala ni Luna ay makakaiwas na siya sa ganoong paraan, pero nagulat siya isang araw nang biglang may kumatok sa pinto ng banyo.

Gulat na napaatras ang dalaga. Wala naman tao sa bahay at siya lang. Umalis ang Mama niya at si Leroy.

"M-Ma? Ikaw ba 'yan?" Tanong niya dahil Mama lang naman niya ang may susi sa pinto, dahil nga binigay niya ang duplicate, sa kadahilanan na ayaw no'n na naaantala sa labas ng bahay.

Walang sagot.

Binilisan niya ang pagbabalot ng sarili dahil tapos na rin naman siya. Dahil sa pag-aakala na ina niya ang nasa labas ng banyo, at sa takot na mapagalitan ay binuksan niya iyon, pero ganoon na lang ang sindak niya nang mabungaran si Leroy at agad na tinakpan ang bibig niya.

Agad siyang nagpumiglas, "K-Kuya C-Leroy!" Bulalas niya sa ilalim ng palad ng lalaki, saka pilit na umiwas nang halikan siya nito sa labi.

"Nakakasawa ang matrona," sabi nito na ikinalaki ng mga mata niya habang mariin na nakatakip sa bibig niya ang kamay nito.

Hinila nito pataas ang isa niyang binti, dahilan para ma-out of balance siya. Mabuti na lang at nakahawak pa siya sa lavatory kaya hindi tumama ang ulo niya sa sahig.

"Kuya, Leroy, 'wag!" Umiiyak na sabi niya dahil ramdam niyang nagpupumilit itong maibaba ang suot na pantalon.

"Mga walang-hiya!" isang naghe-hysterical na boses ang naulinigan niya sa may pinto ng banyo.

"M-Mama?" Mahinang usal niya at napahikbi.

"Babe," anaman ni Leroy na kaagad na umalis sa ibabaw niya, "B-Babe, sorry, babe. Itong anak mo kasi, inakit ako," ani ng lalaki na ikinatunganga ng nanghihinang dalaga.

Mabilis niyang inayos ang sarili nang makabawi.

"Hindi totoo 'yan," umiiyak niyang sagot.

"Malandi ka! Inaagaw mo pa ang kaligayahan ko porke matanda na ako! Walang utang na loob!" Galit at gigil na sabi pa ni Victoria saka siya nilapitan matapos na paghahampasin si Leroy.

"Mama, hindi po?" napaiyak lalo na sabi niya pero isang malakas na sampal ang dumapo sa pisngi niya, at kasunod ang sabunot.

Pasa at kalmot ang inabot ni Luna sa ina dahil sa pangyayaring iyon, at dahil mas gusto no'n na paniwalaan ang ka-live in kaysa sa kanya na sariling anak. At dahil doon, dahil sa takot na magahasa siya nang tukuyan, umalis siya sa poder ni Victoria matapos na mag-blotter ng nangyari.

DUMATING siya sa Maynila mula Camarines Norte, dala ang kakarampot na pera na kanyang naipon. Tinulungan siya ni Carol na makahanap ng matutuluyan, sa malayong pinsan ng best friend niya na may maliliit na paupahan sa Pasay. At sinuwerte siya na makapasok sa isang malaking grocery store bilang janitress, endorso na rin ng pinsan ni Carol na si Ate Ester.

Dating kahera si Ester sa DeMarco Pantry, pero dahil nagkaroon ng anak ay nag-resign na at naging full-time mother. Nasa dalawang linggo lang siyang naghintay ng resulta mula nang ma-interview ng manager, at siya ay natanggap.

"Napakasipag naman talaga," nakangiting biro ni Denise kay Luna habang siya ay nagma-mop sa may stockroom, "Maiiwan na naman ang award-winning janitress namin dito."

Si Denise ang checker sa stockroom, araw-araw, una niyang nakapalagayan ng loob dahil sila ang madalas na magkasama sa likod ng grocery.

"Kailangan e, isang buwan na lang ay enrollment na. Sayang kung hindi ako makakapasok. Malay mo ba ay magka-bonus ako sa sipag," Ganting biro naman niya.

Kahit masakit ay pilit na niyang kinalimutan ang pagtakwil ng ina niya sa kanya, ng dahil lang sa isang callboy.

"Baka i-award sa iyo ang buong grocery," natatawa na sagot ni Denise, "Paano, hindi na kita mahihintay ha at bibili pa ako ng gamot ni Mama sa highblood."

"Oo, sige, walang problema. Nandito pa naman si manager, makikisabay ako," biro niya kaya nagkatawanan sila.

"Sige, pikutin mo na rin at medyo napag-iwanan na ng biyahe," kumaway si Denise at natatawa na naglakad papaalis.

Pinahid niya ang pawis sa noo, saka bitbit ang timba at mop na umakyat sa stainless na hagdan. Hindi niya nakakalimutan na i-mop ang itaas para huwag kumapit ang alikabok. Nasa kalagitnaan siya ng ginagawa at paatras nang paatras nang bigla niyang masundot ng mop ang kanyang timba na may lamang maruming tubig.

"Ay, Diyos ko!" bulalas niya at kaagad na sumilip, At laking panghihilakbot niya nang makita na ang kanyang timba ay tinubuan ng katawan, kamay at mga paa.

May nabuhusan ako! Tili niya sa isip saka mabilis na bumaba. Nakita niya ang isang matangkad na tao, nakadamit ng puti, naka-Khaki shorts at sapatos, naroon pa rin ang timba na naka-shoot sa ulo.

"Diyos ko po!" Ani Luna saka mabilis na inabot ang kanyang timba kahit na napakatangkad ng lalaki. Pilit niya iyong inalis, at napanganga siya nang makita ang gwapong mukha ng lalaki, na basang-basa ang ulo at mukha.

Ang puti nitong damit ay nagkulay putik sa may gawing balikat.

Saglit siyang napakurap nang tingnan siya nito. Ni wala siyang mabasa sa ekspresyon ng mukha nito, habang nakatitig sa kanya.

"B-B-Bakit ho ba kasi dito naman kayo pumupunta? Sarado na po ang grocery at oras na ng janitress para maglinis. Ayan tuloy, napaliguan kayo nang wala sa panahon. Ito po ay stockroom, hindi po ito pook pasyalan, Sir," the lady said in front of Alexander.

For heaven's sake. Siya pa ang sinermonan ng babae ay siya na nga itong nabuhusan ng timba na may lamang maruming tubig.

ALEXANDER doesn't know what to say. Gusto niyang magalit, pero para siyang natatawa sa mga salita ng janitress sa kanya.

"Who are you?" He asked instead.

Walang humpay ang babae sa pagpunas sa kanyang ulo at mukha.

"Halina po kayo at babanlawan," sa halip ay sabi nito saka siya hinila, pero halos matumba ito nang hilahin niya pabalik.

"No. I am asking you who you are."

"A-Ako po si Luna Pascual, janitress po rito. Pasensya na po kayo. Sanay po kasi ako na wala ng pumapasok dito kapag ganitong oras dahil moment ko na po ito para magkuskos. Ayaw niyo po bang magpabanlaw, para po makabawi ako? Pasenya na po talaga, sir. Ang pogi niyo pa naman po at napakaputi po ng budhi inyong damit."

Bumuntong-hininga siya. Yes, he saw the warning at the door. Ang sabi, no entry, janitress cleaning inside. Yari iyon sa karton na sinulatan lang ng pentouch. Malay ba niyang seryoso iyon.

"No need. I can manage."

He is Alexander deMarco, the thirty- three-year-old owner of the grocery. Isa lang ito sa pag-aari ng DeMarco Enterprises. Marami siyang brances ng DeMarco Pantry sa buong Pilipinas, and even abroad. He is not just an ordinary person who entered to buy something. He was here to check his establishment and his stocks, as well as to surprise the manager if he was doing his job. He didn't inform anybody about his surprise visit.

Pero ang surpresang pagbisita ay tila ba siya ang nasurpresa. Nasurpresa siya ng isang timba at ng isang janitress na siya pa ang kinagalitan.

At siya sa halip na magalit ay natatawa pa sa pasermon nito sa kanya. Para itong Mama niya. He was supposed to be in a bad mood because he just caught his girlfriend cheating. Hindi man siya apektado dahil hindi naman niya mahal si Kristina, na kanyang Accounting head, nabwisit pa rin siya dahil naapakan ang kanyang ego.

"Sir Xander!" bulalas ng isang lalaki sa pintuan na ikinalingon ng binata, "Diyos ko! Ano pong nangari?"

Takot na takot ang itsura ng manager nang siya ay makita na madungis at basa.

"Luna, ano ito?" Nanlalaki ang mga mata ni Mister Montes, hindi malaman kung hahawak sa mukha o sa ulo.

"P-Pinaliguan ko po siya, M-Manager?" nakangiwi na sagot ng dalaga na ikinayuko niya.

Natatawa talaga siya sa mga salita nito.

"Diyos ko. Boss natin 'yan! Masisisante ka!"

"P-Po? Huwag po!" Naalarma na Sagot ng janitress na si Luna, biglang nabalot ng natakot ang mukha nang tumingala sa kanya.

"PATAWAD po, President. Hindi ko ho talaga sadya. Kapag po sinisante niyo ako, hindi na po ako makakapag-enrol sa pasukan. Gusto ko pong makapag-aral at makapagtapos. Pwede ko pong dagdagan ang oras ko sa paglilinis bilang parusa. Pwede po akong magbuhat ng mga kahon mula sa labas papasok, o 'di kaya ay mula sa bodega papunta sa mga shelves, magsalansan o kahit ano po, huwag lang pong sisante, Sir President," pakiusap niya sa may-ari na kanyang kaharap ngayon.

Nakiligo na ito sa opisina ni Manager Montes at nagbihis na rin. Mayroon daw itong baon na damit sa sasakyan, na ipinagpasalamat ni Luna.

Kaya lang, ang kasalanan ay kailangan na harapin at pagbayaran, kaya siya narito at parang estudyante na nasa harap ng Prefect Of Discipline.

"Working student ka?" Tanong ni Alexander sa dalaga, na bahagyang tumango at sumulyap.

"Opo, third year na po ako at pa-fourth year na po ng kursong BSBA. Gusto ko pong makapagtapos, Sir. Buhusan ko na lang po ng pinagbabaran ng mop ang sarili ko para po makabawi ako," aniya rito.

Hindi niya mawari kung biro ba iyon o ano pero parang nagtatago ang binata ng ngiti. Binata pa nga kaya ito? Baka may asawa na ito dahil napakagwapo. Wala ritong babae na hindi magkakagusto.

"Just be careful next time, Miss Pascual. Since you're a student and I appreciate your effort as a working student, I will spare you this time," diretsong sagot nito sa kanya at walang paligoy-ligoy.

"Ay!" Napatili siya at napatalon sa tuwa, "Salamat po, Sir! Napakabait niyo po pala bukod sa pogi pa. Salamat ho talaga at pinatawad niyo ako. P-Pwede na po ba akong bumalik sa trabaho para makauwi na rin po ako?"

Tumango ito sa kanya kaya matamis siyang ngumiti, at mataman na nag-iwan ng isang titig sa boss.

NAPANGITI si Alexander. His janitress is so lovely. Ang simple lang nitong babae pero litaw na litaw ang kagandahan, plus pa ang pagiging mukhang masayahin nito.

"Is it true, Manager Montes? Is she really a working student?"

"Yes, sir. She submitted the photocopy of her classcards. Wala kasi siyang transcript na dala kaya pinayagan ko na. And she had high grades. Natuwa nga rin po ako kasi mukhang masikap Na bata, at masipag talaga sa trabaho. Parang hindi niya iniinda kung siya lang halos ang naglilinis ng grocery kapag absent ang isa pang janitor natin. And I remembered your mother's order, na huwag tatanggihan at bigyan ng pagkakataon ang mga estudyante na naghahanap-buhay para makapag-aral. I hired Luna, and so far, wala akong pagsisisi, Mister President - ngayon lang," napangiwi nitong sabi.

"Hindi niya sinadya. She wasn't expecting that somebody would enter the stockroom despite the warning at the door."

Alexander stood up, "Aalis na rin ako, Manager Montes."

"Sige po, President."

Naglakad na siya papalabas ng opisina ni Mister Montes. Muli siyang napadaan sa may harap ng pinto ng stockroom, at narinig niya ang isang babaeng kumakanta. Naroon pa rin talaga si Luna at ipinagpatuloy ang paglilinis. Napakasama man na nabuhusan siya ng pinagpigaan ng pang-mop, hindi rin niya masabing kasalanan talaga no'n ang lahat. He was at fault, too. At dahil likas naman sa kanila ang mabait sa empleyado na nagsusumikap, palalagpasin na lang niya iyon, not to mention that he was attracted to his janitress.

USAP-usapan sa buong grocery ang nangyari ang nagdaan na gabi. Ibinibida ni Luna ang kabaitan ng Presidente sa lahat ng mga katrabaho niya, lalo na sa kaibigan niyang si Denise.

"Napakaswerte m naman, Luna. Dito na halos nagkakaroon ng kwelyo ang mga matris namin pero hindi pa namin kailanman nakita ang presidente ng DeMarco Enterprises. Ikaw, nabuhusan mo na ng tubig, hindi ka pa rin sinisante," sabi ni Denise habang nagla-lunch sila sa second floor ng grocery. Dati iyong tindahan ng mga RTW pero isinara na at iniwan na lang na bukas ay ang grocery sa ibaba.

"Naku, luluha ako ng dugo kung sinisante ako, Denise. Kailangan na kailangan ko itong trabaho ko para sa enrollment ko. Parang manager ay gusto na akong sipain," natatawa niyang sabi.

"Halos lahat ng nandito ay working student. Ang iba ay four hours lang a day ang pasok, makakuha lang ng pang-matrikula. Balita kasi na iyon ang gusto ni Madam kaya hindi naman basta-basta pwedeng suwayin ng mga managers. Ang swerte mo talaga ha. Mula pa sa Makati ang main office ng Presidente pero nakarating dito sa Pasay."

Napangiti siya. Swerte talaga. Napakapogi at napakabango ng boss nila. Kahit na nga nabuhusan na ng mala-putik na tubig at mabango la rin. Kung ganoon ba naman sana ang kinuha na kapalit ng Mama niya sa Papa niya, at ganoon kabait, masaya sana siya.

Sumubo nang malaki si Luna dahil limang minuto na lang ay tapos na ang lunch break nila. Naparami ang daldalan nila ni Denise kaysa sa pagkain. Dalawang magkasunod ang ginawa niya at kamuntik siyang mabulunan nang makakita ng isang lalaking naka-business suit at naka-sunglass.

Nakabukol ang mga pisngi na kinalabit niya si Denise, habang nanlalaki ang mga mata sa bagong dating.

"S-Sino 'yan?" Taka na tanong ni Denise.

Hindi niya magawang magsalita.

"Hi, ladies," bati ni Alexander sa kanila.

"Denise, come here!" Biglang sumulpot sa likuran ng presidente ang manager.

Agad naman na tumalima ang kaibigan ni Luna, nakatingin sa gwapong bisita habang papalapit kay Mister Montes.

"H-Happy lunchtime po, Sir President. Kain po tayo," alok niya sa binata nang malunok niya ang pagkain sa tulong ng tubig.

"Tapos na," anitong bakas sa boses ang pagiging boss, "Gusto kitang makausap."

"Diyos ko huwag niyo pong bawiin ang patawad na ibinigay niyo sa akin, Sir. Maawa po kayo dahil mag-i-enroll po ako."

"No, it's not about that."

Nakahinga siya nang maluwag kaya lang ay halos matunaw siya sa titig nito sa kanya nang tanggalin nito ang sunglass.

"Gusto kong hiramin ka rito para sa office ko maglinis, sa Makati."

"Po? Aba, opo!" Walang pagdadalawang-isip niyang sagot, "Kailan po ako magsisimula?"

"Tomorrow," sagot nito.

Nag-two thumbs up ang dalaga at ngumiti nang maganda sa boss. She could notice how deep his stare was but she ignored it. Ayaw niyang maging feelingera, at isipin na nagagandahan ito sa kanya kaya ito nakatitig.

"I-Iyon lang po, ba, Sir?"

"That's all."

"Sana po a itinawag niyo na lang kay Manager para po hindi na kayo napagod na pumunta rito.

Hinugot ni Alexander ang isang kamay mula sa bulsa ng pantalon nitong suot, tapos ay biglang may tinanggal sa labas ng ilong niya. Gusto niyang umiwas sana pero hindi niya nagawa.

"May kanin ka sa ilong," sabi nitong nangingiti kaya agad siyang pinamulahan ng mukha.

Pero mas mainam ng kanin ang naroon kaysa naman kulangot.

"I wanted to see you, too. I'll be honest with you, Luna. I was attracted to you, at gusto kitang makita parati kaya kita ililipat sa office ko."

Tila nalaglag ang mga panga niya sa narinig. Umurong ang kanyang dila at walang naisagot sa lalaki. Unang pagkakataon na tahasan na may nagsabi ng ganito sa kanya, boss pa niya. Doon sa probinsya, hinihingi ang numero niya at ang address para manligaw kung natitipuhan siya. Her boss has a different way of showing admiration.

Hindi kaya nagayuma ito ng pinagpigaan ng maruming mop?

"Ahm, o-opo, Sir. Lilipat po ako doon mula po bukas."

"Good," ngumisi ito kaya lalong gumuwapo.

Palihim niyang kinurot ang sarili. Hindi kaya nananaginip siya nang gising? Nasaktan siya kaya alam niyang totoo ito. Hindi ito hallucination lang.

"Ahm, Sir, mag-aasikaso na po ako. Magpupunas po ng mga de lata. Pasensya na po pero kahit ayaw ko po kayong iwan, kailangan na po."

"Go ahead. I'll see you tomorrow. Babalik na rin ako sa Makati."

Tumango siya at lito kung anong gagawin. She kept her lunchbox and put it in her bag. Nagsipilyo siya nang madali sa banyo pero sa paglabas niya ay naroon pa rin ang boss, nakapamulsa lang.

Bumaba siya at tinungo ang shelf ng mga de lata sa likod ng grocery. Kailangan iyon para kapag isasalansan na sa labas ay walang alilabok. Lumitaw si Alexander sa may sulok ng isa pang shelf, nakatingin sa kanya.

Ano ba naman ito? Nakakatunaw naman ang titig ng amo ko. Ako talaga? Aniya sa isip, labis na pinagtatakahan kung bakit siya nito nagustuhan, at agad-agad.

"I'm going, Luna," paalam nito sa kanya kapagkuwan.

"O-Opo, Sir. Ingat po kayo."

"Alas otso ang time in sa DeMarco Enterprises. Makati is quite far from Pasay."

"O-Opo. May bituin pa po ay nandoon na ako. Ako po ang gigising sa gwardiya niyo," biro na lang niya kaya natawa ito nang mahina.

"Bubbly. I'm going now. I'll see you tomorrow, sweetheart."

Sweetheart? Napaawang ang kanyang labi. Sweetheart na kaagad siya nito? Palibhasa laking probinsya siya kaya hindi siya sanay sa mga ganoong endearment, although halata naman na may edad na si Alexander DeMarco kaysa sa kanya. Tantiya ni Luna ay baka mahigit ng trenta ang lalaki.

"HOW do I look, Mom?" Alexander asked his mother when he went downstairs to go to his office now.

Naghintay talaga siya sa umaga na ito kung saan ito ang unang araw ni Luna sa kanyang kumpanya. Masama man na sabihin, he was fantasizing his janitress. Ganoon lang naman kasi ang kanyang buhay, mahilig siya sa mga babae, walang seryosong relasyon, at tumatalikod na lang kung kailan niya gusto.

"Always handsome, of course, anak," sagot naman ni Catalina habang hawak ang teacup nito.

"Did I improve today? Gusto ko mas gwapo kaysa sa normal," aniya na nag-aayos ng kanyang mamahaling relong pambisig.

Natawa si Catalina, "Oh my. May pinagu-guwapuhan ka ba, Xander? Ang akala ko ay kaka-break niyo pa lang ng girlfriend mo. Makailang beses na nga na tumawag dito."

"She wasn't my girlfriend, Mom. You knew that she was only my bed warmer, isang babae na ginagastusan ko sa isa sa mga mamahalin kong condo, na nakuha pa akong ipagpalit sa isang pipitsuging pulis," inis na sagot niya kahit na wala na iyon sa kanya.

"Well, you're old enough to handle things your way, anak. Sana lang, maisip mo na rin na pumili ng babae na seseryosohin mo dahil hindi ka na bumabata. Kaisa-isang anak kita at nananalangin naman ako na maalagaan ko man lang ang mga magiging apo ko sana. It's so sad to grow old alone, son. Kahit na hindi mayaman na babae basta may delikasdesa at mamahalin ka, please ay seryosohin mo na," anito pa na parang nakikiusap na nang husto sa anak para tumino na sa pakikipag-relasyon.

"I can't promise you anything, Mom. Bye now. Have a nice day ahead," he walked towards his mother and kissed her forehead.

Buntong-hininga, iyon ang narinig ni Alexander, na binalewala niya na lang. Wala talaga sa sistema niya ang magseryoso sa buhay. Hindi naman siya nabigo ni minsan sa pag-ibig, kaya lang ay wala talagang matinong babae ang naging karelasyon niya, lahat ay two-timer kaya ganoon na rin ang kanyang naging laro.

He arrived at the building, fifteen minutes before eight. Nasa itaas siya at nasa loob na ng office. He pressed his intercom to talk to his secretary.

"Ariana, call Miss Luna Pascual. She's my newly hired janitress. Tell her to come here now," utos niya sa sekretarya.

"Right away, Sir."

Mabilis ang kilos ng mga empleyado kapag siya ay nariyan. Lahat ay takot sa kanya dahil seryoso siya parati at mahirap na basahin. Ganoon talaga. He must not be transparent.

Kampante na naupo si Xander, naghihintay na may kumatok. Kapagkuwan nga ay may kumatok na.

"In!" He said.

Sumungaw ang ulo ng babaeng kanyang hinihintay kaya napangiti siya nang lihim. Magandang ngiti ang isinalubong ng dalaga sa kanya, tapos ay kiming pumasok.

"Good morning, Sir," she greeted.

"Come closer," he commanded.

Ganoon ang ginawa nito kaya tumayo siya at pumunta sa may harap ng kanyang mesa. He got a new target.

"I think greetings must come with a kiss," he couldn't refrain himself.

Mula sa kanyang bulsa ay napunta ang mga kamay niya sa baywang ni Luna, at bago pa man ito makapagsalita matapos na mawala ang ngiti ay agad Niya itong hinalikan sa labi.

IT wasn't Luna's first kiss, because sadly, Leroy was the first one who kissed her brutally. Ang nakapagtataka lang, hindi siya makaramdam ng takot nang lumapat ang labi ni Alexander sa labi niya.

His kiss was intense and electrifying, but different from the kiss of a rapist.

Pinakawalan siya nito makalipas ang ilang sandali, nakangiti sa kanya at tinititigan siya sa mga mata.

"Good morning," He greeted her.

Noon lang niya napansin na ang higpit ng hawak niya sa sa manggas ng suot nitong long sleeves. Agad siyang napabitaw na parang napapaso.

"A-Ano po 'yon, S-Sir?" kandautal siya.

"Kiss," sagot nito na umalis sa harap niya at kaswal na naupo sa executive chair. Hinarap nito ang laptop at parang mag-uumpisa ng magtrabaho.

"K-Kiss nga po kaya lang ay bakit? H-Hindi naman po tayo mag-boyfriend," tahasan niyang sabi.

Mukhang pinapunta lang siya nito rito para halikan. Hindi ba nito alam kung ilang minuto ang biyahe mula Pasay?

"We don't have to be in a relationship to kiss. I wanted to kiss you and I'd do it more often. It's enough now to start my day," he smirked and glanced at him.

Napalunok na lang si Luna.

"Ayaw mo ba? Sabi mo ay gwapo ako. It seems like you're also attracted to me. Hindi ba?"

"W-Wala naman pong babae na hindi sa inyo maa-attract," mahinang amin niya, at kung bakit naman lalo itong nangiti.

"There you said it, Luna. Attracted ka rin sa akin, and since the feeling is mutual, let's just go with the flow."

Doon na tinapos ni Alexander ang usapan. Bumalik ito sa laptop at siya naman ay hindi malaman kung anong gagawin.

Tumingin siya sa paligid. Ano bang lilinisin niya sa office nito ay ang linis naman?

"Ahm, Sir. Mawalang galang na po. Ano pong lilinisin ko rito?"

"You can just vacuum the carpet and wipe my displays."

Ganoon ang kanyang ginawa, at pagkatapos ay lumabas siya. Ayaw niyang magtagal sa loob. Sa paglabas niya ay ang daming mga mata ang nakatingin sa kanya, mga mata na binalewala niya.

Natapos ang maghapon at handa ng umuwi si Luna.

Naghahanda siya para umuwi pero nang pumihit siya para lumabas na sa pinto ng janitors' quarter ay nakatayo si Alexander habang nakapamulsa.

"Going home?" Tanong nito kaya tumango siya.

"Opo, Sir. May ipagagawa pa ho ba kayo?" Naiilang na tanong naman niya rito.

"Yes. Come."

Pumihit ito kaya agad naman siyang sumunod, pero ang ipinagtaka niya ay sa parking sa basement ito pumunta.

"M-Magpapa-car wash po ba kayo, Sir?"

"Get inside," utos ni Xander kaya agad naman siyang pumasok sa kotse dahil binuksan nito ang passenger's door.

"Ano hong ipagagawa niyo?"

Nakangiti itong naupo sa driver's seat, "This. Inutusan ka na sumakay Dahil ihahatid kita sa Pasay."

"Po? Ang layo po ng Pasay."

"Exactly my point, sweetheart. Ihahatid kita dahil malayo at medyo papagabi na. And I don't take no for an answer," he smirked while staring at her.

Tumango na lang si Luna. May baon na naman siyang kwento para kay Carol na kaibigan niya sa probinsya. Naikukwento niya parati sa kababata ang mga nangyayari sa kanya araw-araw. Kahit na malayo sila, nananatili silang magkaibigan.

"SALAMAT po, Sir," nakangiti na sabi ni Luna matapos na tumigil ang sasakyan sa tapat ng kanyang bahay na inuupahan.

Ilang linggo ang nakalipas at ganoon ang kanilang palagian na routine sa hapon. May mga pagkakataon na kumakain muna sila sa isang simpleng restaurant na walang gaanong tao. Kahit paano ay nasanay na siya sa prisensya ni Alexander, pero sa opisina ay mas lalong dumarami ang mga mata na nakatutok sa kanya. May mga naririnig din siyang balita na mahilig ang boss niya sa mga dirty offers sa mga nagiging karelasyon nito, bagay na hindi pa naman niya nararanasan.

At habang parati silang nagkakasama ay nakikilala niya ang tunay na Alexander, na mabait at down to earth. Hindi ito palatawa pero kapag sila lang ay madalas niya iyong makita, kahit biruin niya ito nang mga simpleng bagay.

Handa na siyang bumaba nang hawakan ni Alexander ang kanyang braso.

Para siyang nakuryente pero hindi niya magawang bawiin ang braso niya.

"Don't call me sir when it's only the two of us. Call me Xander. Wala na tayo sa office."

"S-Sige, X-Xander?" napangiwi siya kaya natawa ito.

Bigla siya nitong hinaplos sa may pisngi niya, masuyo. Medyo napailag siya dahil naalala niya si Leroy, pero inisip niya na hindi naman reypist si Alexander.

"Pasay is quite far from Makati, Luna. Don't you think it's better for you to stay there?"

She was quite halted. Saan ito papunta?

"S-Saan ako tutuloy?" Tanong pa rin niya kahit na medyo nahuhulaan na niya ang sagot nito.

"I can let you use one of my condos."

"Condo? Janitress mo, naka-condo?" natatawa na tanong ng dalaga, dinaan sa biro ang lahat.

"Why? What's wrong? You're not just my ordinary janitress. Sa labas ng working hours ay girlfriend kita."

Yeah. And he just declared it, right?

Hinawakan ni Xander ang kamay niya at hinalikan iyon. There are times that he's becoming too sensual but she just takes it forgranted. Hindi nga rin niya alam kung bakit pumapayag siya sa ganito. Siguro dahil talagang attracted din siya kay Alexander. And he's every woman's dream.

"Para hindi ka na mahirapan sa byahe, doon ka na sa isa sa mga condo ko," anito pa.

"X-Xander, ayaw kong mapa-tsismis na ibinabahay mo na ako," iyon ang sagot niya makalipas ang ilang segundo na mag-isip siya.

Hindi pa rin niya kayang maging imoral.

"Is that a no, Luna?"

Tumango siya, "Magti-tyaga na lang ako na mag-commute. Kaya ko naman saka walang problema sa akin. Ayaw ko lang na maging tampulan ako ng tsismis sa building. Halos lahat na nga ng mga mata ay nasa akin kapag pumapasok at lumalabas ako sa office mo."

"Why? Because they say na mahilig akong bumahay ng babae ko?" Parang galit na tanong nito.

Isa iyon sa mga bagay na napansin niya kay Xander, mabilis na masira ang mood nito, lalo kapag natatanggihan, pero kinabukasan naman ay maayos na rin. Iyon lang ang isa ritong pintas. Gusto ng lalaki, sa isang pilantik lang ng daliri ay nakukuha ang gusto, parang ginagawa nitong mahalagang transaction deal.

"Iyon ang sabi-sabi. Sana ay maintindihan mo, Xander, na hindi sa lahat ng pagkakataon ay - "

"Nakukuha ko ang gusto ko," salo nito na tumangu-tango, "Good night, Luna."

Nagulat siya dahil ito na mismo ang nagbukas ng pinto, bagay na ipinagtaka niya, at medyo ikinasikip ng paghinga.

Kumurap siya at saglit itong tinitigan habang sa harapan ito diretsong nakatingin. She swallowed. He always gave her a lingering kiss before she hopped out of his car, ngayon ni tingnan siya nito ay hindi.

Ang ginawa ng dalaga ay dumukwang siya at hinalikan pa rin ito sa pisngi. Hindi nanligaw si Xander sa kanya sa pormal na paraan pero hindi niya rin maintindihan kung paano siya nito napapayag sa gusto nito.

"Good night. 'Wag ka ng magalit," sabi niya may takot na baka hindi na siya nito kibuin pa.

Tahimik siyang bumaba ng sasakyan, at agad itong umalis kapagkuwan. Matamlay siyang pumasok sa loob. She feels sad, in fact, she's about to cry. Why? Pero hindi niya gustong ibahay siya ni Xander. Ayaw niyang maging mababa ang pagkababae niya, na sana ay maunawaan no'n.

"GOOD evening, son!" Bati ng ina ni Xander sa kanya nang pumasok siya ng kabahayan, mainit ang ulo.

Saglit niyang ipinilig ang ulo para tingnan ang ina, "Hi, Mom," wala sa mood na sagot niya.

"You're upset. What's the problem?"

Isinara ni Catalina ang binabasang nobela mula sa Fold 5 nito.

"May problema ba sa kumpanya, anak? Do you need a break?"

"Okay lang ako, Mommy. I don't need a break," tamad niyang sagot saka naglakad para pumanhik na sa hagdan pero agad din siyang napatigil at bumuntong-hininga.

"There's this young lady who captured my interest. I asked her to live in one of my units here in Makati because Pasay is quite far. And guess what. She just turned down my offer!" Bulalas niya, "Kauna-unahang beses ito, Mom na may tumanggi sa alok ko. What? Is she that special? She's just my janitress."

Napatikhim si Catalina, "Uhm, may tumanggi sa aking unico hijo. Himala nga 'yan at isa pang janitress. Pero kung ako ang tatanungin mo, nakakatuwa ang babae na iyan."

"What?" Mas lalong nalukot ang noo ni Alexander.

"Xander, anak. Hindi sa lahat ng pagkakataon talaga ay aayon ang lahat sa gusto mo. Nasanay ka lang na nakukuha mo lahat sa isang iglap lang. Ngayon na may tumanggi sa iyo, mainit ang ulo mo. Don't you understand why she turned down your offer? Sa kauna-unahang pagkakataon, may isang babae na hindi nasilaw sa condo mo at sa kung ano ka. She values her dignity as a woman than enjoy your filthy offee. And I want to congratulate her," natatawa nitong sabi pero para sa kanya ay nonsense iyon.

He left his Mom without a word and went to his room. Hindi pa rin humuhupa ang nararamdaman niyang inis, pero sa kabila no'n ay hindi naman niya malimot ang ginawang simpleng paghalik sa kanya ni Luna.

"BYE," Alexander had to stop himself from kissing his girlfriend. Kung hindi siya titigil ay baka kung saan sila makarating.

Tinanggap na niya na hindi niya ito maibabahay. Sa huli ay siya rin ang sumuko. And she was the only woman he wasn't able to bed right away. Hanggang ngayon ay nasa ganitong sitwasyon pa rin sila, pormal na lumalabas, at hanggang ganoon lang.

"Bye. Ingat ka. Ang layo pa ng uuwian mo."

He shrugged, "What can I do? My girlfriend doesn't want to live in my place," biro niya rito kaya sumimangot ito.

"Just kidding," he added and pinched her cheek before turning his back.

Respect. Iyon siguro ang tamang salita na magpapaliwanag sa kung paano niya natitiis na ganito lang sila. Kung ibang babae kasi, malamang ay ka-live in na niya.

Alexander's mother told him that he must learn how to respect a woman's decision. May mga tao raw talaga na hindi nabubulag sa pera, at naku-curious ang kanyang ina sa pagkatao ni Luna. Pakiramdam nga niya ay gusto na no'n na makilala ang dalaga.

It's just so unusual for him to have this patience and self-control.

"Dadaan muna nga pala ako sa kaibigan ko. It's his mom's birthday. Idadaan ko lang ang regalo ko," paalam niya kay Luna nang nasa pinto na siya ng inuupahan nitong bahay.

"Mahirap magmaneho na lasing, Xander. Gabi na," ani naman ng dalaga sa kanya kaya napangiti siya.

"Is that a reminder that I must not drink?" He chuckled.

"Parang ganoon na rin," anito naman.

"I am not in the mood to drink tonight, sweetheart. Idadaan ko lang talaga ang regalo kaya 'wag ka ng mag-alala."

"Sige. Ingat ka. I-text mo ako ha," bilin nito na nagpangiti sa kanya.

"I will."

Nasa may pinto pa lamang siya ng bahay matapos na makauwi ay tumawag na siya kay Luna. He didn't just text her.

"Nandito na ako ha," natatawang sabi niya nang pumasok sa bahay.

"Oo na. Makakatulog na ako nang maayos."

Lalo siyang natawa. Parang may kilig siyang naramdaman. And he never enjoyed a simple conversation like this before.

"You're really silly. You better sleep now. Maaga ka pang gigising para bumiyahe na naman. Kung pumapayag ka na ba kasi, e 'di - "

"Naku, naku," agad nitong sagot, "Papunta na naman tayo doon sa alok ng boyfriend ko, tapos mamaya ay galit na naman sa akin."

Sa halip na mainis ay natawa siya, "Baka na lang gumusto ka na pero kung hindi ay okay lang. Pagtitiyagaan kita na ihatid papauwi."

Bukal naman sa loob niya ang sinabi niya. Natanggap na rin talaga ni Alexander na ayaw ni Luna na ibahay niya. At ang nakapagtataka ay wala siyang tinitingnan na ibang babae kahit na tinatanggihan siya nito sa mga indecent proposals niya. Masaya siya na ganito sila.

"Salamat. Lalo kang gumuguwapo dahil diyan."

He laughed, "Kumu-quota ka na sa pambobola mo. Matulog ka na. I'll see you tomorrow, Luna. Good night."

"Good night din. See you tomorrow, Xander."

Nakangiti pa niyang tinapos ang tawag, pero hindi niya napansin ang Mommy niya sa may etryway ng kusina, at mukhang kanina pa nakikinig.

"Natutuwa na talaga ako sa babae na iyan, Xander," paunang bungad kaagad ni Catalina sa kanya, "When will I meet her? Bilib ako sa kanyang prinsipyo, anak. And she makes you smile. That's the most important thing. Ibig sabihin ay masaya ka."

"Am I?"

Tumango ito, "Your eyes have a different spark."

Ipingkibit-balikat niya iyon. Well, there are these changes that happen inside of him. It is quite amusing, pero madalas talaga na nakangiti raw siya at malambot ang aura, sabi sa opisina.

"Ipagpatuloy mo lang 'yan, anak. I'm just here to support you."

Ngumiti siya sa Mommy niya, at tumango na rin.

ANG buong akala ni Luna ay tuloy-tuloy na ang katahimikan ng kanyang buhay sa mga nakalipas na araw. Masaya siyang nakikipag-kwentuhan kay Carol sa chat, at kay Denise, pero nag-iba ang mukha niya nang mabungaran niya ang taong kumakatok sa kanyang pintuan, kasama ng caretaker.

"M-Ma?" Kandautal na sambit niya nang makita si Victoria, "A-Ano pong ginagawa niyo rito?"

Nabalot ng takot ang buong sistema ni Luna nang makita ang ina. Hindi niya inasahan na bigla itong susulpot sa Maynila.

"Wala na akong trabaho, Luna. Dito na muna kami makikituloy ni Leroy. Kalimutan mo na ang nangyari dahil napatawad na kita. Ang hirap ng humanap ng trabaho sa probinsya. Mamamatay kami sa gutom. Pinauupahan ko na ang bahay."

Lumilibot na kaagad ang mga mata ni Victoria sa kabuuan ng kanyang inuupahan. Hindi iyon malaki, in fact ay kuwadrado lang iyon at may isang higaan na maliit, maliit na kusina at maliit na banyo.

Ang ipinagtataka niya ay paano siya natunton nito. At bakit kasama nito si Leroy, tapos pinatawad na daw siya?

Lalo siyang napatanga nang makita niyang pumasok sa lumang gate si Xander. Dumako sa boyfriend ang mga mata niya. Hindi ito ang unang beses na sinundo siya nito sa umaga pero bihira lang dahil alam niyang busy naman ito sa araw-araw.

Agad na lumingon si Victoria.

"Pasensya na, Mama pero hindi na po tayo kakasya rito. Kung gusto niyo ay humanap na lang kayo ng ibang paupahan at tutulong na lang po ako sa renta, kahit ako ang magbayad ng kalahati," matatag niyang sabi, baon pa rin ang sama ng loob niya.

Isinara niya ang pinto at nilayasan ang babae.

"Luna, sandali. Bastos talaga ang batang ito. Kadarating ko pa lang ay hindi mo ako patutuluyin?"

"May trabaho po ako, Mama. Kung ikaw lang ay patutuluyin kita, kaya lang ay may kasama kang ibang tao. Pasensya na po," malungkot na sagot niya sa kabila ng pait na nararamdaman.

Sa paglabas niya sa gate ay parang nanindig ang lahat ng balahibo niya sa katawan nang makita na nakatayo si Leroy sa may poste, naghihintay.

Siya na mismo ang nagmadali na makasakay sa kotse ni Alexander habang ito ay nakamasid lang.

"Carol, ikaw ba ang nagsabi kina Mama kung nasaan ako?" Chat niya iyon sa kaibigan na nasa probinsya.

"You look upset, sweetheart. Was that your Mom?" Xander asked.

Hindi siya rito makatingin, "Pwedeng paandarin mo na, Xander? Gusto ko ng makaalis tayo rito," Malamlam ang mga mata na tunghay niya sa binata.

"As you wish," masuyo naman na sagot nito sa kanya saka pinausad ang sasakyan, kabuntot ang sasakyan ng mga bodyguards nito.

Hindi niya kayang sabihin dito ang nangyari. Baka husgahan din siya nito at sabihin na malandi siya, lalo pa at pumayag din naman nga siya na maging magkarelasyon sila kahit wala namang ligawan na nangyari.

"If you want to talk about something, I am just here," Xander said after a long while.

She nodded but felt that her heart was still so heavy. Paano naatim ng kanyang ina na sumulpot na lang na parang walang nangyari, at titira pa sa kanya kasama ang lalaking muntik ng gumahasa sa kanya?

Tahimik pa rin siya nang dumating sila sa kumpanya. Bago sila naghiwalay ni Alexander sa parking ay bigla na lang siyang yumakap dito. Pakiramdam niya ay kailangan niya ng kakampi pero hindi niya masabi.

"Are you okay, sweetheart?" He asked as he caressed her back.

"Pampalakas lang ng loob," sagot niya na mahina nitong ikinatawa.

"Suit yourself then," lalo siya nitong niyakap kaya napangiti naman siya.

"Salamat. Malaking tulong ito sa akin."

"I get it. You and your mom aren't okay. You can tell me some other time. Akyat na ako, may meeting ako nang maaga kaya sinundo kita. I also need an inspiration. Baka ma-bored ako kapag mga mukha ng matatandang board ang makita ko, unang minuto sa umaga."

Siya naman ang natawa, until he lowered his head and kissed her on the lips. Nagulat siya dahil naalala niya na nasa kumpanya na sila, pero ano pang magagawa ay hinalikan na nga siya ni Alexander?

Nang dumating si Luna sa janitors' quarter ay may sagot na si Carol. Iyon nga daw ang pinilit na tanungin ni Victoria kung nasaan siya noong nakaraan pa, at napilitan daw ang best friend niya na magsabi dahil umiiyak daw ang Mama niya habang nakikiusap.

KIMKIM pa rin ni Luna ang sama ng loob, dalawang araw ang lumipas. Hindi na nagpakita ang Mama niya nang layasan niya noong nakaraang araw. Pakiramdam niya ay napakasama niyang anak, pero hindi niya kaya na makisama sa mga iyon ulit.

Araw ng Sabado, naglilinis siya ng kanyang inuupahan habang hinihintay ang landlady na maningil sa kanya.

Hindi nagtagal ay may kumatok nga kaya napilitan siyang itigil ang ginagawa sa kusina.

Binuksan niya ang pinto at bigla na lamang iyong bumalya sa kanyang harapan, dahilan para siya ay halos matumba sa sahig.

Sa isang iglap ay may takip na ang bibig niya at natumba siya sa papag.

"Bitiwan mo ako!" Agad niyang sabi nang makabawi kahit na hindi naman maintindihan ang sinasabi niya.

Si Leroy na naman. Rapist talaga ang lalaking ito.

Agad niya itong sinipa at pinukpok, saka niya itinulak para makawala siya. Tumakbo kaagad si Luna sa pinto at inabot ang seradura, at nang mai-unlock niya ay siya naman na pagyakap ni Leroy sa kanya, ngumingisi.

"Tulong - " nakulong na sa lalamunan niya ang sigaw nang halikan siya nito sa labi, habang yakap s'ya nang mahigpit.

Iyon ang pagbukas ng pintuan at parehas silang natilihan nang makita niya si Xander.

"Xander!" Bulalas niya na nabuhayan ng loob.

Lumapit ang binata sa kanila, at walang babala na hinaklit si Leroy.

"Xander!" Napatili ang dalaga nang ibalya nito si Leroy sa pader at walang imik na inundayan ng mga suntok at sipa.

Napatakbo na lang ang lalaki papalabas kaysa sa lumaban. Maluha-luha lang si Luna, at pilit na ngumiti dahil naisalba siya sa pangalawang pagkakataon.

Akma na siyang lalapit sa boyfriend para yumakap dito pero puno ng galit ang titig na iniwan nito sa kanya. And without saying a single word, he walked away.

Agad siyang napatanga sa pinto na nilabasan nito, at hindi na nagawa pang humabol nang mabilis na nawala ang kotse nito sa may harap ng gate.

Her tears fell. Agad niyang kinuha ang cellphone at nag-text kaagad sa boyfriend.

"Xander, mali ang inaakala mo. Ka-live in iyon ng Mama ko. Please bumalik ka dito at hayaan mo akong magpaliwanag."

Habang itina-type niya iyon ay kumpirmado niya sa sarili na mahal niya si Alexander. Mas doble ang sakit na nararamdaman niya sa pagtalikod nito at hindi man lang siya hinayaan na magpaliwanag.

He really doesn't know how to listen.

"OKAY na, Miss Pascual. Kapag gusto mo itong file-an ng kaso, ito lang ipakikita mo rito ha para mas madali natin na mabuklat ng record ng blotter mo," sabi ng pulis kay Luna, na si PSMS Levi de Leon.

"Salamat po," wala sa sariling sabi niya na lang habang hawak ang isang kapirasong papel na may blotter number.

Umalis na rin siya sa presinto kapagkuwan at umuwi. Malayu-layo pa sa paupahan ay bumaba na siya. Wala pa ring reply si Xander kaya siya ay tuliro, dagdag pa ang panganib na dala ni Leroy ngayon.

"Baka nararamdaman na ng babae na iyon na hindi ako ang tunay niyang nanay kaya natitiis ako," sabi ng boses sa may kanto ng pader kaya agad na napatigil si Luna.

Si Victoria.

"Napakahina mo naman kasi na magdrama. Saan tayo ngayon titira? Wala na tayong mapupuntahan. Hindi Na tayo makakauwi sa probinsya dahil wala ang bahay at lupa, na elit na ng bangko. Bahala ka sa buhay mo, Victoria. Kapag ako mabwisit, maghahanap na lang ako ng matrona. Sabi mo kapag sumama ako sa iyo, hindi na ako magco-callboy."

"Bwisit ka talaga! Malay ko bang hind ko na mauuto ang malanding anak ng dati kong asawa. Pero nabawian ko na naman. Amanos kami kahit hindi na siya maniwala. Hindi na rin siya yayaman dahil sinabi ko sa sumundo sa kanyang de kotse na inakit ka niya at mag-ingat siya. Parehas kaming mamulubi ngayon."

Nagtagis ang mga bagang ni Luna sa narinig niya. Bumalong na muli ang mga luha niya, at agad siyang naglajad papunta sa may kanto ng pader.

"Kaya pala!" Bulalas ng dalaga na ikinagulat na husto ng dalawa, "Kaya pala mas naniwala ka sa reypist mong ka-live in dahil hindi mo ako anak talaga. Ang lahat ng ginawa mong masama, bumalik na sa iyo. Pati bahay at lupa na iniwan ni Papa, nakuha mo pa palang isanla para lang bumingwit ka ng lalaki sa club. At hindi tayo pareho, Victoria dahil ako ay nagsusumikap habang ikaw ay pilit lang na kumakapit sa mga taong mahuhuthutan mo ng pera! Sa oras na makita ko ang pagmumukha niyo, hindi ako magdadalawang-isip na idemanda kayo. Ang boyfriend mo, katatapos lang akong pagtangkaan. At galing lang ako sa presinto, nagpa-blotter ulit. Doon sa probinsya, bago ako umalis ay may blotter din ako sa pananakit mo at sa tangka ng boyfriend mong callboy. Magsama kayo. Parehas kayo ng kulay, mga maiitim ang budhi."

Pagkasabi no'n ay agad na umalis na si Luna at pumasok sa kanyang inuupahan. Isinara niya ang gate at ikinandado. Isinunod niya ang pinto na ipinag-lock. Doon siya napahagulhol ng iyak.

She feels so alone.

"NGAYON lang kita nakitang na-mrobema sa babae, bro," iyon ang nangingiti na wika ni Levi kay Alexander habang nasa loob sila ng isang bar.

Ang nakakainis, kahit na ang daming babae sa paligid at nag-aalok na siya ay tabihan, wala siyang pinapayagan. He was there to drink with his best friend, just that.

"Problemado ka pero ayaw mo ng babae, na dati-rati ay hindi mo tinatanggihan.

"I don't know," helpless na Sagot niya, "Pakiramdam ko tinamaan ako, Levi. Baka bukas puntahan ko na rin siya. I was only weighing things. Ang dami na pala na nagbago sa akin mula nang makilala ko siya. From being impatient, I am now more patient. Natutunan kong tanggapin na hindi lahat ng bagay ay makukuha ko kahit na isa pa akong bilyonaryo. But does it count her? Nahuli ko siyang may lalaki sa inuupahan niya, pero tinanggihan niya ang alok ko na tumira siya sa condo ko. Nakakalito ang pagkatao niya, pero habang tumatagal at nag-iisip ako na mabuti sa kung anong pagkakakilala ko sa kanya, matino siyang babae sa tingin ko. She was simple, masayahin, mabait at maunawain."

"Baka mahal mo talaga siya, bro. Hindi mo siguro pinagpaliwanag kasi sabi mo kanina ay nag-walk out ka dahil naiiyak ka sa nakita mo."

Tumango siya, "I don't want her to see me crying for her. Natakot akong maabuso ako kapag nakita niya na umiyak ako dahil sa kanya," aniya rito, "Pero tama ka. Parang hindi ko rin kayang tuluyan na tumalikod na hindi ko naririnig ang paliwanag ni Luna."

"A-Anong pangalan?" Tanong ni Levi, nakakunot-noo.

Xander looked at his friend, "Luna. Luna Pascual, why?"

"Damn! Luna Pascual ba talaga na maganda? Mga 5'3 ang heightat ang buhok ay abot sa may gulugod, straight at itim na itim?"

"Yes, you know her?"

"Janitress ba siya?"

Tumango siya. Hindi naman siya nahihiya na sabihin na janitress ng kanyang girlfriend. Ang mahalaga ay disente at malinis na trabaho.

"May I see her? May litrato ka ba?"

Binuksan niya ang smartphone. May mga litrato siya at si Luna nga ang kanyang home screen wallpaper. Korni na kung korni.

"Oh boy," naiiling na sambit ni Levi, "Kailangan mo talaga siyang makausap, bro. Ang girlfriend mo ay nasa matinding problema ngayon. Nasa presinto siya kahapon, nag-file ng blotter. Ang sinasabi mo malamang na lalaki na naabutan mo ay ang madrasto niya, na dalawang beses na raw siyang pinagtangkaan na halayain."

Agad na naibaba ni Alexander ang hawak na bote ng alak. Ganoon na lang ang naging pagtitig niya kay Levi.

"Sabi niya, sa probinsya ay may blotter na siya ng attempted rape at physical injuries naman para sa nanay niya, dahil hindi raw siya pinakinggan ng Mama niya nang magsumbong siya. Sinaktan pa raw siya ng babae kaya siya umalis doon at namasukan dito sa Maynila."

Diyos ko.

Napapikit siya at nakaramdam ng matinding galit sa sarili. He just walked away from the woman he loves because of misjudging her. Bakit ba hindi siya naniwala sa kung anong pagkakakilala niya kay Luna, sa halip na pinairal niya ang selos at pride niya?

Parang lalo siyang naiiyak sa ginawa niyang pagkakamali, pero nabuhay ang galit sa kanyang puso, galit para sa ina ni Luna at sa lalaking muntik na gumahasa sa dalaga.

HINDI inasahan ni Xander na ang ina niya ang magbubukas ng pinto kahit na disoras na ng gabi.

"You're still awake, Mom," matamlay niyang sabi kay Catalina.

"I was really waiting for you. I was bothered by your recent behavior. Masyado kang tahimik at nakatulala mula pa noong isang araw, anak. Sabihin mo sa akin ang problema at baka makatulong ako," nag-alala na sabi ng Mommy niya, "Amoy alak ka. Hindi mo na ito ginagawa. Nahuli mo ang ex mo na may ibang lalaki pero hindi ka nagkaganito."

Pasalampak siyang naupo sa sofa at bumuntong-hininga.

"Mom, I don't know how to say sorry. May malaki akong kasalanan kay Luna. I thought she was cheating on me but I found out that she nearly got raped by her stepfather. I turned my back on her and didn't listen when she tried explaining. Paano, Mommy?" Desperado niyang tanong, maluha-luha ang mga mata.

"Just say sorry and say it with sincerity, anak. Sinasabi ko na nga ba at si Luna ang dahilan. You love her, son."

Tumango siya. Aminado na siya.

"Damayan mo siya. Humingi ka ng tawad at magpaliwanag ka. Makinig ka sa kanya at maniwala ka sa kanya. She needs you now more than anybody else. Kung paiiralin mo ang pride mo, mawawala siya nang tuluyan sa iyo. Have ears to listen. Huwag mong gawin itong negosyo anak, na ikaw ang hari ng mundo mo at naka-focus ka sa kung anong iniisip mo lang. Magkaiba ang negosyo sa pakikipag-relasyon at pagmamahal, Xander. Dalawang tayo kayo rito na dapat na magkatuwang at nagkakaunawaan, hindi ikaw lang ay gusto mo lang. Wala naman mawawala sa iyo anak kung magpapakumbaba ka dahil si Luna ay nasa tama at ikaw ay mali."

Mataman siyang nakinig dito at tumango siya bilang pag-sang-ayon. si Luna ay mas mahalaga kaysa sa kanyang pride o ano pa man.

"Gagawin ko, Mommy. Thank you for that," Ngumiti siya kahit paano dahil may linaw na ang kanyang pag-iisip.

ALEXANDER'S eyes fixated on Luna's face. He was standing in front of his door, early in the morning.

Hindi ito bihis at parang walang balak na pumasok sa kumpanya, at bigla na lang itong naiyak nang mapagbuksan Siya ng pinto.

"Luna," mahina niyang sabi at inisang hakbang ang pagitan nila. Agad Niyang niyakap ang dalaga at sumandal siya sa pinto, dahilan para iyon ay sumara.

"I'm so sorry, Luna. I didn't mean to turn my back on you that day. I was so hurt and jealous, and I thought you were fooling me. Kinausap ako ng Nanay mo at nalito ako na sobra sa nararamdaman ko. Please forgive me," buong puso na paghingi niya ng tawad dito, "Hindi kita iiwan. Kahit na anong mangyari. Kahit na nag-iba ang tingin ko sa iyo noong araw na 'yon, alam kong mahal kita."

Lalo itong napahikbi.

"Kailangan ko ng kakampi. Kailangan ko ng karamay pero mag-isa ako nang sandali na 'yon."

"I'm sorry. If you will only forgive me, hindi ko na uulitin ang ganoon. Give me another chance. I want us to start over again, iyong tama na umpisa, iyong mas kilala natin ang isa't isa. Bago ko pa man malaman ang totoo kay Levi, lumilinaw na ang isip ko na kakausapin kita at hindi tayo matatapos na basta ganoon lang," masuyo niyang hinaplos ang pisngi ni Luna.

"K-Kilala mo si Sgt. Levi?"

"He is my best friend. I called him last night. Aaminin ko na pumunta kami sa bar pero uminom lang ako. Gusto ko lang ng kausap para luminaw ang pag-iisip ko. I confirmed that I am not just attracted to you. I love you and I couldn't see myself finding another woman to replace you. Naikwento niya na rin ang lahat dahil nabanggit ko ang pangalan mo. Pag-uwi ko, pinayuhan ako ni Mommy. She wanted to meet you, sweetheart. Please let's start all over again. Hayaan mo akong protektahan ka sa lahat at damayan ka. Mahal mo rin ba ako?"

Ginawaran niya ito ng halik sa noo saka niya buong pagmamahal na niyakap na muli.

"Mahal. Gusto ko rin na sabihin sa iyo pero ngayon siguro ang tamang pagkakataon."

"I would like to offer you a decent proposal now, not like the first one. Ngayon, gusto kong ulukin ka bilang pormal na girlfriend ko, kilala ng nanay ko, ng pamilya ko at ng lahat. I will not offer you my condo or anything. Kung saan mo gustong tumira basta safe ka, I'll be fine with that. Basta sasabihin mo lahat sa akin. I will do the same. No secrects."

Tumango ito.

"No secrets pero di ka naman nakikinig," anito kaya natawa siya nang mahina.

"Hindi ko na uulitin."

"Kaya lang ako hindi kaagad nagsabi sa iyo sa kotse dahil baka husgahan mo ako. Baka kako isipin mo na inakit ko ang madrasto ko na hindi ko naman pala talaga stepfather, kasi kahapon lang din, nalaman ko na hindi ko pala totoong nanay si Victoria. Narinig ko sila na nag-uusap ni Leroy. Binenta na nila ang lupa at bahay na pundar ni Papa noong nabubuhay pa ang Papa ko. Kaya pala sila nandito dahil sisiksik sila sa akin dahil wala na silang trabaho at wala ng pera. At? siniraan daw nga niya ako sa iyo para amanos daw kami na parehas kaming hindi yayaman," malumanay na kwento nito sa kanya.

Tumaas lang ang sulok ng labi ni Alexander at umiling, "She was so wrong. Kapag mag-asawa na tayo, lahat ng akin ay sa'yo. Siya lang ang mag-isang maghihirap at ang boyfriend niya. Itutuloy natin ang demanda. Ihanda mo ang sarili mo. Kaya mo? Nandito lang ako, Luna," he said with full of assurance.

She nodded.

"That's my girl," sa sobrang tuwa ay nayakap niya ito ulit.

Hindi niya palalagpasin ang ginawa ng Leroy na iyon. Poprotektahan niya si Luna kahit na anong mangyari magmula sa araw na ito.

Nang araw din na mismong iyon ay pumunta sina Luna at Alexander sa mansyon ng mga DeMarco. Ilang na ilang ang dalaga nang bumaba sa kotse, pero isang magangang ngiti ang isinalubong ni Catalina sa kanya.

"Finally, may dinala rin na babae ang anak ko sa bahay na ito!" Bulalas ng magandang Senyora kaya napangiti si Luna.

"Good morning po, Ma'am," magalang niyang bati at nagmano rito.

"Call me Tita or Mommy Cat. Sa nakikita ko sa anak ko, mukhang alam ko na kung saan ang tuloy nito. Sa simbahan."

Kimi siyang ngumiti. Sana nga dahil wala naman siyang ibang pinapangarap kung hindi ang isang simpleng buhay may pamilya pero pagkatapos na ng kanyang pag-aaral.

"Pasok ka na iha. This is also your home. Huwag na huwag kang maiilang o mahihiya. Tanggap kita kahit na sino o ano ka pa. My son loves you and I will also love you like my own daughter," dagdag pa ni Catalina nang siya ay akayin papasok.

"Salamat po, Ma'am - T-Tita."

"Masyado mo na akong ibinubuking, Mommy," salo naman ni Xander kaya medyo natawa siya nang tingnan ang binata.

Matamis niya itong nginitian at ganoon din naman ito bago hawakan ang kanyang kamay habang papasok sila sa sa salas.

Doon sila magla-lunch, at hindi pinalagpas ni Xander ang araw na iyon na lilipas na hindi sila nagkakakilala ng Mommy nito. And she was so happy. All of a sudden, pakiramdam ni Luna ay nagkaroon siya ng bagong ina na magmamahal sa kanya. Hindi Man niya nalaman kung nasaan ang totoo niyang Mama, may isa ng dumating na nakikita niyang mainit ang pagtanggap sa kanya at alam niyang makakasundo niya.

Nagpatuloy si Luna sa pag-aaral habang nagdi-janitress pa rin sa kumpanya ni Alexander. Iyon ang gusto niya para maabot ang pangarap sa sarili pa rin na paraan. Tutol si Xander noong una pero pumayag din, at kahit na kailan ay hindi siya ikinahiya nito na ipakilala bilang girlfriend. Kahit na may mayaman siyang boyfriend ay ayaw niyang masanay na umaasa. Itinuloy niya ang sinasabing demanda laban kay Leroy, at ang lalaki ay napatunayan na nagkasala. Si Victoria naman ay nawalan na siya ng balita dahil iniwan na rin no'n ang lalaki sa ere at nagtago. Makalipas ang isang taon ay grumaduate na si Luna, Cumlaude Sa kursong BSBA.

Sa DeMarco Enterprises din siya nag-apply ng trabaho dahil iyon naman ang gusto ni Xander, at gusto rin niyang makatulong dito. And Xander became her mentor. Makalipas ang anim na buwan ay nag-propose na ito sa kanya, at sa tatlong Buwan na preparasyon ay nangyari ang church wedding nila. May mga pagkakataon na nag-aaway din sila pero tulad ng pangako nila sa isa't Isa ay nakikinig sila sa mga paliwanag at hindi ginawang solusyon ang pagtalikod para maiwasan ang problema. Lumipas pa ang isang taon at nagkaroon na sila ng lalaking anak na si Alexus. Napakaswerte ni Luna sa kanya ang binuo na pamilya dahil ang beyanan niya ay nanatiking napakabait na beyanan sa kanya, at ang asawa niya kahit na habulin ng babae at napakayaman ay nananatiling tapat sa mga pangako ng pagmamahal sa kanya, kaya ganoon din ang kanyang sukli sa mga taong nagpahalaga at magmahal sa isang hamak na janitress ng isang bilyonaryong negosyante, na ngayon ay mister na niya at ama ng kanyang anak.

Please rate my story

Start Discussion

0/500