Reading Score Earn Points & Engage
Inspirational

Si Bal, ang Beauty Enbreyn

Short story with lesson.

Mar 10, 2025  |   2 min read

h s

hazel salvador
Si Bal, ang Beauty Enbreyn
0
0
Share
Sa isang sulok ng kwarto, nakaupo lang sa may bintana ang dalagang si Beauty G. o kilalang sa kanyang palayaw na "Bal" - short for BALIWALA. Umpisahan natin ang kwento kung bakit ito ang naging palayaw niya.

Bata pa lamang si Beauty ay mahiyain na siya. Bihira lamang siyang lumabas sa kanilang bahay para makipaglaro. Kaunti lang din ang mga kaibigan niya. Kapag pumapasok naman siya siya paaralan, nasa sulok lang siya at nakaupo sa kanyang upuan. Palagi siyang binabaliwala ng kanyang mga kaklase kaya naman dito nagsimulang tawagin siya ng kanyang mga kaklase na BALIWALA at kalaunan naging "Bal".

Pagsapit ng kanyang ika-18 na kaarawan, nagsimulang magbago ang ugali ni Bal. Hindi na siya kagaya ng dati na tahimik lang at laging mag-isa. Nagkaroon na rin siya ng mga kaibigan sa unibersidad na kanyang pinapasukan.

Nagsidatingan na ang mga bisita ni Bal. Kaarawan niya ngayon kaya naghanda ang kanyang nanay ng mga pagkain para sa kanyang mga kaibigan. Kumatay ng dalawang baboy ang kanyang tatay at mga tiyuhin. Nagtataka siguro kayo, kaarawan lang naman pero bakit may dalawang baboy?

Nag-iisang anak si Beauty. Akala noon ng kanyang magulang ay pipi siya. Tatlong taon kasi siya nang magsimulang magsalita. Pero 'wag kayo! Napakatalino rin ni Beauty. Kaya ang pangalan niya ay Beauty dahil ang apilyedo nila ay Enbreyn. Yes! Beauty G. Enbreyn. Bright diba? Pangalan palang ang talino na.

Hayun na nga. Matapos maghanda ng kanyang mga magulang, parang kasalan ang dating dahil sa dami ng handa. Ayaw kasi ni Bal na magdebut party, kaya naman ganoon na lamang ang paghahanda ng kanyang mga magulang.

Sa araw na iyon, masaya ang lahat sapagkat ang kanilang prinsesa ay ganap nang dalaga. Hindi na binabaliwala, nag-iingay na at nakikilahok sa iba. Marami ang nagulat sa kanyang pagbabago lalong lalo na ang kanyang mga kaklase nung elementarya. Mapagbiro na rin ito at siyang stress reliever na kung tawagin ng kanyang mga kaibigan. Kinagigiliwan siya ngayon dahil sa kanyang katangian.

Ika nga, bilog ang mundo.

Please rate my story

Start Discussion

0/500