Reading Score Earn Points & Engage
Tragedy

Patawad

Short Tagalog Story

Feb 21, 2024  |   4 min read

N U

New Ri Ubagan
Patawad
0
0
Share
Sa bawat araw na lumilipas, mas nararamdaman ko ang sakit.

Tila paulit-ulit sa aking isipan.

Hindi ko alam kung paano ko mapapatawad ang sarili ko.

Nawa'y makamit ko ang kapayapaan sa aking puso.

April 11, 1994

Linggo ng madaling araw.

Excited na akong makauwi sa probinsya. Sa wakas, gradweyt na ako!

Maari ko nang yayain si Marie na magpakasal! Sa wakas!

Hawak-hawak ko litrato ni Marie. "Balang araw matutpad na pangarap natin" bulong ko sa sarili.

"Buddy! Ingat ka sa byahe. Kita na lang tayo in the future. Contact mo lang ako kapag may kailangan ka" sambit ng kaibigan at batch kong si Mike.

"Salamat, buddy! Mamimiss kita. Invite kita sa kasal namin ni Marie, puhon" sagot ko habang naka bungisngis.

Naghiwalay na kami ni Mike ng landas. Pauwi akong Mindanao, babalik naman siya sa Maynila.

Kinakabahan ako. Sobra ang kaba ko habang palabas na ako ng Airport. Walang ni isa sa pamilya ko ang nakakaalam na pauwi na ako. Nais ko sana silang isorpresa.

Ilang oras ang lumipas at kinakabahan pa rin ako habang nakasakay sa bus at natatanaw ko na ang familiar na pook. Eto na, nasa probinsya na nga ako.

Dali-dali akong pumara ng tricycle at sumakay.

"Manong, sa zone 2 po" excited kong sambit

Eto na, malapit na ko sa bahay. Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko habang natatnaw ko na ang gate ng bahay.

"Bayad ho, para" sabi ko sabay abot ng bayad.

Dali-dali akong pumasok sa bahay.

"Nay! Tay! Nakauwi na po ako!" masaya kong sigaw

Agad nagsilabasan mga kapatid kong babae at ang aking mga magulang sabay yakap sa akin. Natawa na lang ako.

"Miss nyo ko?" pabiro kong tanong.

"Syempre naman!" sabya nilang sambit. Natawa na lang kami at pagkatapos kinumusta nila ako.

Hindi nagtagal, agad kong sinabi sa kanila ang plano ko. Di na ako magpapatumpik pa.

"Nay, tay, mga ate nais ko na sanang mag propose kay Marie."

"Eh anak, seryoso ka ba?" tanong ni tatay na halata ang pag-aalinlangan sa mukha.

Tumango ako at ipinakita sa kanila ang sing-sing na nabili ko bago ako umuwi dito.

Nagtinginan lang sila. Pinakiramdaman ko ang bawat isa sa kanila. At agad akong kinabahan.

"Bakit po? May nangyari ba na hindi ko alam?" nag-aalala kong tanong.

"Siguro mas mabuti nang puntahan mo sa kanila" nalulungkot na sambit ni nanay.

Hindi ako nagdalawang isip at agad na lumabas. Pumara ako ng motor at agad na sumakay.

"Sa San Carlos po, malapit sa basketball court" sambit ko.

Kalaunan, nakarating na ako. Hanggang ngayon mabilis pa rin tibok ng puso ko. Ba't ang tahimik ng bahay nila? Ano ba nangyari?

"Tao po! Marie?" walang sumagot.

Inulit kong muli ngunit wala pa ring sagot. Naisip ko baka nasa bakuran nila. Dali-dali akong pumunta sa may bakuran, at don, nakita ko si Marie.

Napahinga ako ng malalim at nakaramdam ng gaan sa dib-dib.

"Marie!"

Naglakad ako papalapit sa kanya habang nakangiti abot tenga.

"Rico?" nau-utal niyang sambit.

"Kailan ka lang nakauwi?" makikita sa kanyang mukha ang pagkabigla.

Napangisi na lang ako at unti'y lumapit sa kanya.

Inabot ko ang kamay nya, napakalambot pa rin. Walang kupas ang kanyang ganda at muli, pumintig ang aking puso.

Si Marie, ang babaeng pinakamamahal ko?

"Marie, yung anak mo!" sigaw ng isang lalake.

Anak? Kaninong anak? Kay Marie? Sino ang ama?

Naguguluhan, agad kong nabitawan ang kanyang kamay.

"Pasensya na Rico, kailangan ko pang puntahan ang anak ko"

"May hindi ka ba sinasabi sa akin?" naguguluhan pa rin ako.

Ano ba ang nangyari sa loob ng dalawang taon na wala ako?

Tumitig siya sa akin at sinabing "patawarin mo ako, Rico."

Agad siyang tumakbo papasok sa kanilang bahay at naiwan akong nakatulala sa aking kinatatayuan.

"Sino ba yung kausap mo ha?! Kanina pa umiiyak anak mo!" narinig ko muli ang boses ng lalake.

Yan ba ang ama?

Paalis na ako nang makarinig ako ng malakas na lagapak.

"ANG LANDI-LANDI MO TALAGA, MARIE!"

"Kailanman hindi ko ginustong makasal sayong hayop ka! Nilapastangan mo ako, sinamantala mo ako!"

Nang marinig ko yun, naramdaman ko ang galit sa aking puso at hindi na nagdalawang isip na pumasok sa pamamahay nila.

Nakita kong dumudugo ang ilong ng babaeng mahal ko habang ang kamay ng lalake ay sumasakal sa kanya.

"Bitawan mo siya!" hindi ko namalayan at nasuntok ko na ang lalakeng nanakit kay Marie.

"Sino ka bang hayop ka?! Ba't ka nangengealam sa away mag-asawa?!"

Ramdam ko ang kanyang galit. Mabilis siyang sumugod sa akin at bumwelo ng suntok.

Hindi na ako sumagot pa. Ang alam ko nagpapalitan na kami ng suntok. Di ko na alintana ang sakit sa bawat suntok niya. Ang alam ko ay di ko kayang pabayaan si Marie na saktan ng taong ito.

"Tama na!" frustrated na sigaw ni Marie.

Napatingin ako sa kanya at nakita kong may dugong dumadaloy sa kanyang mga binti.

Mas lalong dumilim ang aking paningin.

Di ako nagdalawang isip na ilabas ang aking baril.

"Rico!"

Sabay sa pagputok ng baril ay naramdaman ko ang isang matulis na bagay na naitusok sa aking dibdib.

Subalit naramdaman ko ang halinhan ng makitang natamaan ng bala ang lalakeng nagpasakit sa babeng aking pinakamamahal.

Nadirinig ko ang malakas na pagtibok ng aking puso nang mapatingin ako kay Marie.

Sumisigaw siya subalit di ko na marinig ito. Lumapit siya sa akin na umiiyak at hinawakan nya kamay ko.

May sinasabi siya ngunit wala akong maintindihan. Nararamdaman kong bumibigat ang talukap ng aking mga mata gayundin ang kirot sa parte kung saan ako nasak-sak. Buong lakas ko ay aking ginamit upang mahipo ang maamong mukha ni Marie. Tila ba lahat ng ala-ala namin ay nagbalik sa aking isipan, napangiti na lang ako.

"Mahal kita, Marie."

Kung ito man ang huli, masasabi ko na natupad ko ang aking pangako, na mamahalin kita hanggang sa aking huling hininga. Patawad, Marie.

"TULONG!"

April 11, 1995

Ilang taon na ang nakalipas,

subalit sa bawat araw na lumilipas, mas nararamdaman ko ang sakit.

Tila paulit-ulit sa aking isipan.

Rico oh, di mo man lang nakita ang anak mo.

Surpresa ko sana sayo to sa pag-uwi mo eh.

Patawad at inilihim ko sayo ito. Kung di sana dumating sa buhay ko ang lalakeng sumira sa aking pagkababae, masaya na sana tayo ngayon.

Hindi ko alam kung paano ko mapapatawad ang sarili ko.

Nawa'y makamit ko ang kapayapaan sa aking puso.

Please rate my story

Start Discussion

0/500