Tatlong linggo pa lang ang klase pero heto't mukhang naghihimutok na ang isang guro sa social media. Naging bahagi na nga ng buhay ng mga tao ang social media lalo na ng nagkapandemya. Napukaw niya ang atensyon ko sa pagbabasa. Paano nga ba hindi, nasa bahay na nga ang mga mag-aaral paanong absent pa rin sa bahay? Ilang linggo nang hinahanap ng teacher ang bata dahil wala pang naipapasang Gawain sa kanyang asignatura. Napailing na lang ako kasabay ng aking pagbabalik tanaw.
SARDO (Student-At-Risk of Drop-Out), isang programa sa edukasyon upang sagipin ang mga batang alanganing tumigil sa pagpasok sa paaralan. Dito masusubukan ang dedikasyon at pasensya ng mga guro lalo na sa mga publikong paaralan. May isa akong estudyante na hindi laging napasok sa klase ko. Ilang beses ko ng ipinatawag ang magulang pero hindi pa rin nagbabago. Maraming kasunduan, pangako, at pag-uusap ang nabalewala sa batang ito. Ala-sais ang simula ng klase dahilan sa shifting classes, ngunit wala pa rin ang batang lalaki sa kwarto. Pagkatapos ng unang klase ko, dali-dali akong lumabas sa paaralan upang puntahan ang bahay ng bata na ilang bloke lang ang layo sa paaralan. Kinausap ko ang kanyang ina at napag-alaman kong nagpaalam ang batang papasok sa paaralan. Magkasama kami ng ina na naghanap sa mga posibleng puntahan ng bata. Computer shop, basketbolan, bilyaran, plasa, hanggang sa nagpaalam na ako dahil oras na ng klase ko. Ang nanay na lang ang maghahanap sabi nya. Pag-awas ko s klase sa hapon, dumaan muli ako sa bahay ng bata. Malayo pa lang ay natawag na munting bata sa kanyang ina. Napangiti ako sapagkat kilala na ako ng bunsong kapatid ng bata sa dalas ng aming pagkikita.
Nahihiyang pinapasok ako ng ina sa kanilang bahay. Hindi kasi niya alam kung saan ako pauupuin. Sa makipot na bahagi ng kanilang bahay, alam mong hindi madali ang kanilang pamumuhay. Nanahi ang ina sa kapitbahay at naglalabada para kumita. Napapaluhang nagkukwento ang ina habang nkikinig ako sa kanya. Nangako siya na ihahatid kinabukasan ang bata sa paaralan.
Magalang akong nagpaalam habang umaasang makapapasok na ang bata sa paaralan. Kinabukasan, Nakita ko sa klase ang bata. Nahihiya ng tumingin sa akin pero nginitian ko lang siya. Nagdaan ang mga araw hanggang sa nakatapos ang bata ng high school. Labis ang pasasalamat ng ina sa mga guro sa pagtatapos ng kanyang anak. Nagbunga ang pangungulit ng guro sa bata at sa magulang nito. Masaya naman ako na maging bahagi sa tagumpay ng aking mag-aaral at hindi sa kabiguan nila. Naalala ko ang paliwanag ng isang hukom ukol sa batas na may kinalaman sa excuse. "Kung hindi mo pa nagagawa lahat ng paraan upang solusyonan ang isang bagay hindi pa iyon valid excuse. Kung ginawa mo ang lahat at ikaw ay nabigo pa, yun pa lang ang valid excuse." Tumatak sa akin ang kanyang paliwanag at naging panuntunan ko rin sa buhay. Don't fool yourself by making excuses. Though sometimes, it is better to fight for principles than to live up with them.
NO EXCUSE, isa itong compilation ng articles sa American Journal na nababagay basahin ng mga bagong guro. Nakapagbibigay ito ng inspirasyon na bilang guro magpokus tayo sa solusyon sa mga problema at hindi tanggihan ang mga bata na problematic sa klase. Kung magiging kwalipikasyon sa pagtuturo ay pagkakaroon ng pagmamahal sa mga bata at sa pagkatuto, walang pasubali, ang paaralan ang pinakaligtas at masayang lugar para sa mga bata.
CDE23