Sa kanto ng Tondo kung saan ang basketball court ay laging basa,
at ang karinderya may sariling playlist ng murmurang chismis,
doon lumaki si Biboy Palupot
hindi dahil mamumulot, kundi kasi
mamumulot talaga.
Hindi basura.
Hindi teks.
Hindi pogs.
Pera.
Oo, pre. Bata pa lang siya, may “talent” na.
“Totoy, san mo na naman nakuha ‘yang Piattos?”
“Eh kasi po may napulot ako,” sabay pakita ng ₱50 na parang may sparkle effect.
Kala mo may multo ng generosity na sinusundan siya.
Pero teka
Habang tumatagal, parang level up ang loot box.
Sa kanal: may piso.
Sa kalsada: may bente.
Pero sa Bekiri?
Legendary drop.
₱100.
₱200.
May isang beses pa nga ₱500, pare. Naka fold. Naka goma. Brand new.
Si Biboy, biglang naging bayani ng kanto.
“Libre ko kayo ng ice tubig!”
“Hoy si Biboy oh, future mayor na ‘yan!”
Pero habang lahat ay tuwang-tuwa,
si Biboy napapaisip din.
“Bakit kaya palaging sa Bekiri? At bakit laging parang bagong withdraw sa ATM?”
Pero walang reklamo.
Hanggang isang araw…
WALA.
Zero.
Dry season.
Walang piso. Walang barya.
Ni mumo ng ₱20, wala.
Kahit anong silip niya sa ilalim ng estante deadma.
"Eh baka napagod na ‘yung multo," sabi ni Jomar, kabarkada niyang feeling psychic.
Pero hindi tumigil si Biboy.
Kahit high school na, balik siya sa Bekiri, sinusubukang balikan ang alamat.
Hanggang isang gabi, matanda na si Biboy, pauwi galing overtime.
Lumang-luma ang pakiramdam.
Tapos " ting" !
May bente singko sa sahig.
Pinulot niya.
Napangiti.
Pero hindi sa tuwa.
Kundi sa biglaang pagsabog ng alaala.
Flashback.
Kuya Gardo.
Yung tagabantay sa Bekiri.
Laging tahimik.
Laging nakasulyap sa ilalim ng estante.
Laging kinukutkot ang apron niya, parang may tinatago.
At doon niya narealize
Holy pandesal.
Yung “swerte” niya pala,
hindi hokus pokus.
Hindi multo.
Hindi magic.
Kupit.
Kupit na sinisiksik sa ilalim ng estante.
Kupit na plano sanang kunin ni Kuya Gardo pagkatapos ng shift.
Kupit na sinira ng inosenteng batang palaging maaga.
At ang ending?
Si Kuya Gardo, nasipa.
Short sa kaha, long sa malas.
At ang Bekiri?
Sarado.
Moral ng Kanto:
Minsan, akala mo ang swerte mo,
ikaw lang ang bida.
Pero sa dulo?
Supporting role ka sa kwento ng kupit.
Dedicated to those whose memories light my path
For those who loved quietly but deeply, who gave more than they ever asked for:
To Papa Danny AKA Kilabot
To Lolo Ikoy AKA The Sculptor
To Lola Pacita AKA Donya Pacita
To Tito Boy AKA JOAD / Hands
To Tito Manuel AKA The Guardian
To Tatay Jose AKA Elvis Presley
To RJay AKA The Good Child
You are never forgotten. This story is for you.
Copyright © 2025 B.R. Agoncillo.
All rights reserved. No part of this work may be reproduced, stored, or transmitted in any form or by any means electronic, mechanical, photocopying, recording, or otherwise without the prior written permission of the author.
This is a work of fiction. Names, characters, places, and incidents are either products of the author’s imagination or are used fictitiously. Any resemblance to actual events or persons, living or dead, is purely coincidental.


