Reading Score Earn Points & Engage
Inspirational

Karapatang Pantao “Ikaw at Ako ay Pantay Lamang”

Short Poem

Feb 21, 2024  |   2 min read

c d

Karapatang Pantao “Ikaw at Ako ay Pantay Lamang”
0
0
Share


Pansin mo ba ay ang nangyayari sa lipunan?

Mga tao’y tila ba isang langgam,

Sapagkat maliit at walang kalaban-laban

Kung kaya’t tinatapak-tapakan.

Dito sa bansang aking kinagisnan

Karapatang pantao’y hindi napapahalagahan

Maraming buhay ay naaapi

Talamak ang mga nasasawi

Hindi magandang pamamalakad sa gobyerno

Dahilan sa hindi pantay na pagtrato

Sa karapatan ng bawat tao

Kaya’t mga mahihirap ang madalas naloloko.

Lahat tayo ay may karapatan

Na nararapat  lamang na pahalagahan.

Respeto sa isa’t-isa ang kailangan

Sapagkat ikaw at ako ay pantay-pantay lamang.

 

Please rate my story

Start Discussion

0/500