Hindi mapakali at palakad-lakad si Nanay, sapo ang kanyang dibdib na may impit na pagngiwi habang hawak ng kanang kamay ang dinaramdam. Maya-maya lumabas na naman ng bahay, nakabota, nakaleggings at nakasumbrero. Ilang minuto may dalang plastik na may ulam, isda. Isisinigang niya dahil gustong gusto ni tatay ang mag-ulam ng may sabaw. Alas dose ng tanghali, maririnig ang tunog ng motor na kahit sa kalayuan alam mong yun ang motor ni tatay saka naman maghahain na ng pagkain si nanay para makapagsalu-salo na sa hapag-kainan.Ngunit bakit wala ang inay sa kusina? Nakakain at nakabalik na sa trabaho ang tatay na hindi sila nagkatagpo at nagkausap.
Alas siyete ng gabi, kumpleto ang lahat sa bahay. Masayang nagkukwentuhan sa mga pangarap at mga plano para sa buong taon. Makikita sa bawat ngiti at salita ni Nanay ang saya dahil sa wakas makaka alwan na sa hirap. Nakapagtapos na ang dalawang anak na iginapang sa hirap upang makapagtapos. Nakakatulong na sa mga kailangan sa bahay at makakabayad na sa mga bayarin. Nangangarap na para bang isang politiko na inilalatag ang kanyang mga planong gawin sa bahay, tinatawanan at sinasabayan na lamang siya ni tatay dahil ramdam din ni tatay ang saya nito sa bawat pagsasalita. Ang sabi pa ay gusto nito magtindahan, iextension daw nang kaunti ang sa gilid ng bahay para maluwag. Ang sabi pa, "Gusto ko ng washing machine sana. Siguro makakaranas na ako ng washing, para makapagpahinga na ako sa pagkusot, tingnan niyo naman ang kamay ko. Panay sugat na. Panay paltos na. Tawagan niyo nga si Erson, sabihin niyo bilhan niya rin ako ng bagong gasul, naubos na. Saka alam mo ba sa June, wala na tayong utang. Mababayaran na lahat."
"Hindi ka pwedeng mamatay, kapag mamatay ka dapat susunod ako sa iyo!" sagot naman ni tatay na may kasamang paglamlambing. " Kapag ikaw ay mawala, wala na kaming buhay, wala na kaming direksyon. "
Natawa si nanay, bakit daw ba iyon ang iniisip ni tatay.
Nahiga sila nang maaga, magkatabi at nagpapatugtog naman sa kanyang cellphone si nanay.
"Pahingi ng tubig, hindi ako makahinga."
"Itong likod ko, hilutin mo nga, sumisikip ang dibdib ko!'
At ang lahat ng tao sa bahay ay nataranta, ang bunsong kapatid ay dali-daling naghanap ng rescue upang madala sa hospital ang nanay. Sa unang pagkakataon, gusto ni nanay na madala siya sa hospital na siyang laging pinagtatalunan dati dahil ayaw niya magpacheck up.
Lumabas sila ng bahay upang makalanghap ng sariwang hangin upang makahinga. Yumakap si nanay kay tatay, bumubulong na hindi siya makahinga. Habang yakap ni tatay, nakikita nito ang unti-unting pag-iiba ng kulay ng bibig nito at mg a mukha na siyang lalong nagpakaba kay tatay. Ayaw nitong magpahalata dahil alam nitong lalong kakabahan at hindi makakatulong sa kanyang paghinga. Dumating ang ambulansya, sabi ni nanay kahit na hirap sa paglalakad "Iihi muna ako, nakakahiya kung makakaihi ako sa daan. Baka papanghi ako." Ilang minuto lang, tinulungan siyang iakyat sa ambulansya, ngunit kahit dalawa silang may buhat-buhay ay ramdam mong hirap sila.
Nay, tanghali na gising na. Magkape na. --Nasend naman sa number kaso bakit walang reply.
Nay, magsaing kana. Malalate si tatay sa trabaho. -Wala paring reply.
Binalot siya ng isang malamig na hangin. Kakaiba ang pakiramdam. Parang may isang bagay na nais niyang hawakan at hawakan siya. Lumitaw sa harapan niya ang maamo at palatawang mukha ng kanyang ina. Isang marahang tango at isang ngiti na kitang kita ang aliwalas at pagmamahal sa kanyang mukha.
Dahil sa pawis nagising siya kaagad, parang may mabigat at masakit sa kanyang ulo. Ilang minuto lamang, may natanggap siyang tawag mula sa kanyang kapatid mula sa probinsiya. Isang tawag na kahit kailan ay kinatatakutan niyang marinig.
"Wala na si nanay"
Isang pangyayari na kahit kailang ay hindi nais maranasan. Naubos na lahat ng luha, wala ng boses kakaiyak at kakasigaw, kakatanong bakit? Naubusan na rin ng maisisisi sa sarili at mga sana.. sana umuwi ng probinsya, sana inalagaan habang maaga. Sanaaaa, isang panaginip pa, sanaaa isang araw pa.