Sa probinsya kung saan kami naninirahan ng aking pamilya, di man kami mayaman may masagana at masaya kaming pamumuhay.
Ngunit pag sapit ng dilim may isang bagay kaming di ma intindihan ng aking mga kapatid, ito ay ang pag patak ng alas 6 ng gabi kailangan ay nasa loob na kami ng bahay at di na pwedi pang lumabas. Kaya minabuti namin na tanungin ang aking ina kung bakit di na maaari pang lumabas pag sapit ng alas 6? "Ma bakit bawal na kami lumabas maaga pa naman?" Napabugtong hininga na lamang ang akin ina at nag wika "naku mga anak dahil ayaw namin kayong mapahamak, nakikita nyo ba ang puno ng niyog? Dyan nag pakamatay ang anak ni aling berna na si ojet. Dahil sa pananakit ng kanyang ama di nya naka yanan at nag ka roon sya ng depression, tuwing sasapit ang alas 6 Dyan sya nag papakita at pag katapos sa tuwing may mapapa daan bigla na lamang ang mga itong di maka hinga at sinasabing sila raw ay sinasakal ng isang lalaking walang mukha.



